Isulong ang malaya, libre, abot-kaya at makataong sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,552 total reads

Ito ang panawagan ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) sa pamahalaan sa paggunita ng International Day of Education sa ika-24 ng Enero, 2024.

Ayon kay SCMP President Kej Andres, ang edukasyon ay paraan upang mahasa ang mga talento at kasanayan ng kabataan na biyaya ng Panginoon.

“Naniniwala ang kabataang Kristiyano na ang edukasyon ay daan sa pagtuturo at pagpapaunlad ng mga talentong biyaya sa atin ng Maykapal, upang maisakatuparan ito, nararapat na malatag ang mga kondisyon na magtitiyak na ang edukasyon sa Pilipinas at karapatan, abot-kaya, at malaya,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Andres sa Radio Veritas.
Umaasa si Andres na mabatid din ng bawat mag-aaral na sa tulong ng edukasyon ay mapapalawak ang kanilang kamalayan.

Ipinaalala ni Andres sa mga kabataan ang mga natutunan upang iparating sa kapwa ang pag-ibig ng Diyos.
Naniniwala ang SCMP na sa pamamagitan ng edukasyon ay makakaahon ang isang indibidwal sa kahirapan.

“Higit pa roon, pinapahalagahan natin ang edukasyon na magbibigay ng oryentasyon kung para kanino ba dapat ang ating mga natutuhan sa paaralan, walang iba kundi sa paglilingkod sa kapuwa nating mahihirap at aba. Inilalagay ng edukasyon sa wastong landas ang kabataan kung nagtuturo ito ng mga halagahan upang maging makakalikasan, makabayan, makamahihirap, at maka-Diyos ang kabataang Pilipino,” ayon sa ipinadalang mensahe sa Radio Veritas ni Andres.

Ngayog taon ay itinalaga ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO ang tema ng International day for education na “learning for lasting peace”.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 8,046 total reads

 8,046 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 20,239 total reads

 20,239 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 60,991 total reads

 60,991 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 95,118 total reads

 95,118 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 151,524 total reads

 151,524 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top