Koalisyon laban sa Cha-cha, inilunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,192 total reads

Naniniwala ang isang mambabatas na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng Simbahan para sa paggabay sa bawat isa patungo sa tamang landas sa lipunan.

Ito ang ibinahagi ni Senator Risa Hontiveros kaugnay sa pagsisilbing moral at ethical compass ng Simbahan lalo na sa mga mahahalagang usaping panlipunan tulad ng kontrobersyal na usapin ng Charter Change.

Ayon sa mambabatas, mahalaga ang pamumuno at aktibong pakikilahok ng Simbahan sa iba’t ibang mga koalisyon tulad ng bagong lunsad na KOALISYON LABAN SA CHACHA! upang higit na maipalaganap sa mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakaisa at paninindigan para sa kabutihan ng bayan.

“Napakahalaga talaga ng partisipasyon at pamumuno ng mga Simbahan sa ganitong mga koalisyon at paglunsad ng koalisyon kasi parang sila yung nagpapaingay ng tambuli na nagtatawag sa iba’t ibang mga Pilipino anuman ang ating pananampalataya Katoliko, protestante, evangelical, at iba pa na magkaisa nga sa isang totoong unity, magkaisa sa pagninilay, pagdarasal, pagbabantay, pagkilos lahat…” Bahagi ng pahayag ni Hontiveros sa Radio Veritas.

Paliwanag ng mambabatas, dapat na ganap na pagnilayan ng bawat mamamayan kung paano higit na mapoprotektahan at maisasakatuparan ang mga nakapaloob sa Konstitusyon na para sa ikabubuti ng sambayanan Pilipino at hindi ng interes ng iilan.

“Para pangalagaan at ipaglaban ang kapakanan ng nakararami hindi yung interes lang ng iilan na yun din naman ang kaluluwa ng Konstitusyon nakalagay dun, parang yung sulat pastoral ng CBCP, ‘Ano ang mabuti?’ nakalagay din po dun sa Konstitusyon so tamang dapat lamang mag-discern tayo ulit, ano yung mabuti na mga pangako dun sa Konstitusyon at ipatupad natin alang-alang sa kabutihan ng nakararami hindi yung kakasangkapanin lang ang Konstitusyon para sa interes ng iilan…” Dagdag pa ng mambabatas.

Matatandaang una ng tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagsusumikap ng Kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas na makapagsagawa ng mga talakayan at pagpupulong upang mabuksan ang kamalayan ng bawat isa kaugnay sa usapin ng Saligang Batas ng Pilipinas at magabayan na makapagdesisyon ng para sa ikabubuti ng bayan.

Tinagurian bilang KOALISYON LABAN SA CHACHA! binubuo ang nasabing kowalisyon ng may 40-grupo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na kinabibilangan ng mga church groups at people’s movement sa bansa na pawang naninindigan sa pagpapahalaga sa Saligang Batas ng Pilipinas na nagsisilbing sandigan ng mga karapatan, kalayaan at demokrasyang tinatamasa ng bansa.

Kabilang sa mga organisasyon at grupo ng Simbahan na kasapi ng kowalisyon ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines sa ilalim ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace o Caritas Philippines; Sangguniang Laiko ng Pilipinas; Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP); Simbahang Lingkod ng Bayan (SLB); at CMSP – Conference of Major Superiors in the Philippines.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 46,321 total reads

 46,321 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 44,953 total reads

 44,953 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 79,158 total reads

 79,158 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 180,983 total reads

 180,983 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 221,540 total reads

 221,540 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 240,285 total reads

 240,285 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 46,322 total reads

 46,322 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top