Diocese of Antipolo, nagpapasalamat sa canonical coronation ng Nuestra Señora de Fatima

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,060 total reads

Ikinagalak ng Diocese of Antipolo na ibahagi sa kristiyanong pamayanan ang biyaya ng pananampalatayang patuloy tinatamasa ng diyosesis.

Ito ang mensahe ni Bishop Ruperto Santos makaraang aprubahan ng Santo Papa Francisco nitong February 14 ang canonical coronation sa imahe ng Nuestra Señora de Fatima na nakadambana sa Diocesan Shrine and Parish Church of Saint Paul of the Cross sa Marikina City.

“It is with grateful hearts that we, in the Diocese, share and offer this tremendous blessing after blessing to all of you,” mensahe ni Bishop Santos.

Pinasalamatan din ng obispo ang santo papa sa malaking biyayang ipnagkaloob sa pamayanan ng mahigit tatlong milyong katoliko ng buong lalawigan ng Rizal at Marikina City na makatutulong sa pagpapayabong ng debosyon at pananampalataya.

“This enormous and symbolic gift, will surely deepen our devotion to the Mother of our Lord Jesus, who is also our mother,” ani Bishop Santos.

Kinilala rin ng obispo ang dedikasyon ng mga layko at lingkod ng simbahan ng Diocesan Shrine and Parish Church of Saint Paul of the Cross sa pangunguna ni Father Vicentico Flores, Jr. na nagtulong-tulong upang maisumite ang mga kinakailangang dokumento para sa canonical coronation.

Ito na ang ikalawang imahe ng Markina City na binigyang pagkilala ng santo papa at ikaanim sa buong diyosesis kabilang na ang Nuestra Señora Dela Paz y Buenviaje sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo; Nuestra Señora de los Desamparados ng Diocesan Shrine of Our Lady of the Abandoned sa Marikina; Nuestra Señora de Aranzazu ng Diocesan Shrine – Parish of Nuestra Señora de Aranzazu sa San Mateo, Rizal; Nuestra Señora de la Lumen ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Light sa Cainta; at ang Nuestra Señora del Santísimo Rosario ng Diocesan Shrine of Our Lady of the Holy Rosary sa Cardona.

Kamakailan ay pormal na itinalaga ang Antipolo Cathedral bilang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage gayundin ang pagtalaga sa ika – 23 Minor Basilica ng bansa ang Minor Basilica of the Parish Church of Saint John the Baptist sa Taytay Rizal.

Inaanyayahan ni Bishop Santos ang mananampalataya sa rito ng canonical coronation sa May 12, 2024, sa alas nuwebe ng umaga isang araw bago ang kapistahan ng Our Lady of Fatima sa May 13.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 44,875 total reads

 44,875 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 130,240 total reads

 130,240 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 176,976 total reads

 176,976 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 224,848 total reads

 224,848 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 326,728 total reads

 326,728 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top