Kababaihan, pangunahing apektado ng CHACHA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,150 total reads

Binigyang-pugay ng Alyansa Tigil Mina ang mga kababaihan sa mga katutubong pamayanang apektado ng pagmimina kasabay ng paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan.

Ayon sa grupo, ang mga kababaihan ang nangungunang lumalaban upang mapahinto ang mapaminsalang operasyon ng pagmimina lalo na sa mga katutubong lupain.

Sinabi ng ATM na ang mga babae ang itinuturing na pangunahing tagapangalaga ng pamilya na malaki ang tungkuling tiyaking ligtas ang kalusugan mula sa epekto ng pagmimina.

Bukod dito, ginagampanan din ng kababaihan ang pangangalaga sa mga lupa, pamamahala sa mapagkukunan ng tubig, at pagbabantay sa mga lupang sakahan at kagubatan.

They suffer most from the impact of mining such as loss of biodiversity, razed forests, soil erosion, and various forms of pollutions,” pahayag ng grupo.

Inihayag naman ng ATM na higit na maaapektuhan ng panukalang pagbabago sa 1987 Philippine Constitution ang kababaihan dahil sa isinusulong na Charter Change na magpapahintulot para sa 100 porsyentong foreign ownership sa mga lupain at likas na yaman ng bansa.

Iginiit ng grupo na ang pagsasamantala sa economic provisions ng konstitusyon ay magdudulot ng negatibong epekto sa inaasam pang pag-unlad ng Pilipinas.

Panawagan ng ATM sa mga lider ng pamahalaan na pakinggan at pagtuunan ang panawagan ng mga kababaihan na ihinto na ang mapaminsalang pagmimina sa mga pamayanan, at sa halip ay gawing prayoridad ang pagpapabuti sa pagkain, lupa, tubig, at karapatan para sa ligtas at malusog na kapaligiran.

Gayundin ang pagtataguyod sa karapatan ng mga kababaihan kaysa pagtuunan ang pagsusulong sa charter change na walang malinaw na layunin para sa kapakanan ng mamamayan at bansa.

“We likewise extend our solidarity to all women, especially those who fight for gender equity and women empowerment. On this Women’s Day, let us celebrate the victories and advances borne out of women’s glorious struggles,” saad ng ATM.

Nakasaad sa Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco na karapatan ng bawat isa na maglabas ng saloobin hinggil sa mga nangyayaring hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan, kung saan ang ila’y tinitingnan ang mga sarili na mas karapat-dapat kaysa ibang higit na dapat bigyang-halaga

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 5,407 total reads

 5,407 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 40,706 total reads

 40,706 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 77,190 total reads

 77,190 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 95,401 total reads

 95,401 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 179,450 total reads

 179,450 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 81,357 total reads

 81,357 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top