Reading marathon para sa kapayapaan, isasagawa ng Economy of Francesco

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,034 total reads

Muling idadaos ng Economy of Francesco (EOF) Global Movement ang reading marathon para sa kapayapaan sa March 29, 2024.

Inaanyayahan sa ‘EOF Reading Marathon for Peace’ ang mga kabataan, ekonomista at maging payak na mamamayan na tunghayan ang pagbabasa ng mga literatura, pakikipagdiyalogo o talakayan na nakatuon sa pagsusulong ng kapayapaan.

Ayon sa EOF Organizers, layunin ng gawain na tuluyang maiwaksi sa lipunan ang mga digmaan, pananakop o iba pang uri ng karahasan na nararanasan sa ibat-ibang bahagi ng mundo na apekatado ang mga inosenteng indibidwal.

“Meetings, marches, story sharing, collective action. Reading marathons. Read and listen to our call for peace: between people, in the society we live in, between states. We need peace achieved by peaceful means: dialogue, understanding of the other’s perspectives, critical thinking, rejection of violence,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Economy of Francesco Movement sa Radio Veritas.

Hinimok din ng EOF Movement ang mga organizer mula sa ibat-ibang bansa na magdaos ng kaparehong gawain upang maiparating ang mensahe ng kapayapaan tungo sa pag-unlad ng ekonomiya at pamumuhay ng mga pinaka-nangangailangan.

Maaring matunghayan ang reading marathon sa ibat-ibang social media at online platforms ng EOF Movement kung saan maari ding lumahok ang mga nais magbahagi ng kanilang kwentong pang-kapayapaan sa pamamagitan ng pag sign-up sa official website ng Economy of Francesco.

Tagapangasiwa nito ang EOF Village for Peace na sangay ng organisasyon na nakatuon sa pagsusulong ng kapayapaan sa lipunan.

January 28, 2023 idinaos ang unang reading marathon na pinangasiwaan ng EOF Movement na iniaalay para sa mga kababaihan sa Afghanistan at Iran dahil sa paniniil ng pamahalaan sa kanilang karapatang makapag-aral

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 112,263 total reads

 112,263 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 146,671 total reads

 146,671 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 180,802 total reads

 180,802 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 237,206 total reads

 237,206 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top