Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,352 total reads

Ang Mabuting Balita, 7 Marso 2024 – Lucas 11: 14-23

SIYA AY DIYOS

Noong panahong iyon, pinalayas ni Jesus ang isang demonyong sanhi ng pagkapipi ng isang lalaki, at ito’y nakapagsalita na mula noon. Nanggilalas ang mga tao, ngunit may ilan sa kanila ang nagsabi, “Si Beelzebul na prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.” May iba namang nais siyang subukin, kaya’t nagsabi, “Magpakita ka ng kababalaghang magpapakilala na ang Diyos ang sumasaiyo.” Ngunit batid ni Jesus ang kanilang iniisip, kaya’t sinabi sa kanila, “Babagsak ang bawat kahariang nahahati sa magkakalabang pangkat at mawawasak ang mga bahay roon. Kung maghimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili, paano mananatili ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng mga demonyo sapagkat binigyan ako ni Beelzebul ng kapangyarihang ito. Kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sino naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa inyong mga tagasunod na makagawa ng gayun? Sila na rin ang nagpapatunay na maling-mali kayo. Ngayon, kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, nangangahulugang dumating na sa inyo ang paghahari ng Diyos. “Kapag ang isang taong malakas at nasasandatahan ay nagbabantay sa kanyang bahay, malayo sa panganib ang kanyang ari-arian. Ngunit kung salakayin siya at talunin ng isang taong higit na malakas, sasamsamin nito ang mga sandatang kanyang inaasahan at ipamamahagi ang ari-ariang inagaw. “Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at nagkakalat ang hindi tumutulong sa aking mag-ipon.”

————

Nanggilalas ang mga tao, ngunit para sa ilan sa kanila hindi ito sapat. Humingi pa ng kababalaghan na magpapakilala na ang Diyos ang sumasakanya, para bang ang pagpapalayas ng demonyo ay hindi kababalaghang mula lamang sa Diyos. Marahil sila ay nainggit kay Jesus, kung hindi, bakit nila sasabihing nagpalayas siya ng demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng prinsipe ng mga demonyo? Bakit lalayas ang demonyo sa isang taong sinapian niya? Para sa kanila, ito ay isang malaking tagumpay.

Kapag nagaganap ang isang milagro sa atin o kahit sa iba, maging malaki o maliit na milagro, bilang mga Kristiyano ang kailangan lang nating gawin ay ang kilalanin ang kadakilaan ng Diyos at magpasalamat sa kanya. Walang tanong-tanong. SIYA AY DIYOS.

Salamat Panginoong Jesus, sa mga milagro na nagaganap sa aming buhay araw-araw. Salamat na dahil sa iyo, maaari kaming mapunta sa iyong panig at mag-ipon kasama mo!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 40,718 total reads

 40,718 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 147,755 total reads

 147,755 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 192,423 total reads

 192,423 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 214,629 total reads

 214,629 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 249,871 total reads

 249,871 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

A VERY BEAUTIFUL REMINDER

 4,310 total reads

 4,310 total reads Gospel Reading for September 14, 2026 – John 3: 13-17 A VERY BEAUTIFUL REMINDER Feast of the Exaltation of the Holy Cross Jesus

Read More »

ONE ULTIMATE JUDGE

 2,616 total reads

 2,616 total reads Gospel Reading for September 13, 2026 – Matthew 18: 21-35 ONE ULTIMATE JUDGE Peter approached Jesus and asked him, “Lord, if my brother

Read More »

FAMILY

 2,012 total reads

 2,012 total reads Gospel Reading for September 12, 2026 – Luke 6: 43-49 FAMILY Jesus said to his disciples: “A good tree does not bear rotten

Read More »

WASTE OF TIME

 3,312 total reads

 3,312 total reads Gospel Reading for September 11, 2026 – Luke 6: 39-42 WASTE OF TIME Jesus told his disciples a parable: “Can a blind person

Read More »
Scroll to Top