Radio Veritas Lenten exhibit sa Fisher Mall, magsisimula bukas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,474 total reads

Inaanyayahan ng Radio Veritas 846 ang mananampalataya sa isasagawang Lenten Exhibit katuwang ang Fisher Mall sa Quezon City.

Ayon kay Renee Jose, ang tagapangasiwa ng Religious Departmen, ito ang pamamaraan ng himpilan upang makilakbay sa kristiyanong pamayanan sa pagninilay lalo na sa pagpapakasakit, pagkamatay at higit sa lahat sa muling pagkabuhay ni Hesus.

“We will join our Kapanaligs on this Paschal Triduum to reflect on the life of Jesus and deepen our faith through this Lenten Exhibit,” pahayag ni Jose sa Radio Veritas.

Tampok sa exhibit ang humigit kumulang 100 imahe ng Panginoong Hesus at Mahal na Birheng Maria na may kaugnayan sa mga Mahal na Araw.

Sinabi ni Jose na ito ay magandang pagkakataon na muling ipaalala sa mananampalataya ang kahalagahan ng pagiging handa ng sarili sa pagpapakasakit, pagkamatay lalo na ang pinakatampok sa pananampalatayang kristiyano na muling Pagkabuhay ni Hesukristo.

Maaring magsagawa ng lenten pilgrimage ang mga dadalaw sa exhibit sa Entertainment Center ng Fisher Mall kung saan mayroong ‘Stations of the Cross.’

Bubuksan ang exhibit sa March 19 sa ikaapat ng hapon na pangungunahan ni Radio Veritas Vice President Fr. Roy Bellen kasama ang mga kinatawan ng establisimiyento at magtatagal ito hanggang March 31, Linggo ng Muling Pagkabuhay.

Bukas sa publiko ang exhibit mula alas 10 ng umaga hanggang alas nuwebe ng gabi kung saan maari ring mag-alay ng panalangin na isasama sa mga misa ng Radio Veritas sa alas sais ng umaga, alas dose ng tanghali, alas sais ng gabi at alas dose ng hatinggabi.

“Pilgrims to the exhibit can write their prayer intentions and become Eucharistic Advocates, which will be included in our daily healing masses,” ani Jose.

Para sa karagdagang detalye makipag-ugnayan kay Jose sa telepono (02) 8925-7931 to 39 local 129, 131, 137 o mag-text sa 0917-631-4589.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 45,441 total reads

 45,441 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 130,806 total reads

 130,806 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 177,542 total reads

 177,542 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 225,414 total reads

 225,414 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 327,263 total reads

 327,263 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top