Mahal na araw gamitin sa pagbabago sa sarili, panawagan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,751 total reads

Umaasa ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na gawing makabuluhan ng mananampalataya ang paggunita sa mga Mahal na Araw.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagsimula ng Semana Santa ngayong taon na aniya’y gamiting pagkakataon para sa pagpapanibago ng sarili.

Iginiit ni Cardinal Advincula na sa mga pagninilay sa karanasan at buhay ni Hesus ay higit na mapalapit at mapalalim ang ugnayan ng tao sa Diyos.

“May this Holy Week be a transformative journey for us all. A journey leading us closer to the heart of our faith,” ani Cardinal Advincula.

Pinangunahan ng cardinal ang pagbabasbas ng mga palaspas na hudyat ng pagsisimula ng spiritual pilgrimage ng mamamayan sa mga mahahalagang araw sa buhay ni Hesus lalo na ang Paschal Triduum o ang pagpapakasakit, pagkamatay at higit sa lahat ang pinakarurok sa pananampalatayang kristiyano ang Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.

Binigyang diin ni Cardinal Advincula na sa kabila ng mga pagkukulang at pagkakasalang nagawa ng tao ay binibigyang pagkakataon ito ng Panginoon sa pagbabalik loob dahil sa kanyang habag at awa na ipinamamalas sa sangkatauhan.

Hiling ng cardinal sa mananampalataya ang buong pusong pagsisisi at kababaang loob na aminin sa Diyos ang mga pagkakasala kasabay ng paghahayag ng kahandaang sundin ang kalooban ng Diyos.

Tinuran ni Cardinal Advincula na ang muling pagkabuhay ng manunubos ay tanda ng bagong pag-asa sa sanlibutan sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ng tao ay bukod tanging si Hesus ang liwanag na magbibigay tanglaw sa bawat isa.

Hinimok ng arsobispo ang mamamayan na makibahagi sa mga mahahalagang gawain sa bawat parokya ngayong semana santa na makatutulong sa pagpapalago ng pananampalataya sa Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 43,029 total reads

 43,029 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 128,393 total reads

 128,393 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 175,130 total reads

 175,130 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 223,002 total reads

 223,002 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 324,974 total reads

 324,974 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top