Suriin ang gawa at diwa sa paggunita ng Semana Santa, paalala ng kalihim ng DILG

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,887 total views

Pinaalalahanan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang publiko para sa mapayapa at makabuluhang paggunita sa Semana Santa.

Ayon kay Abalos, ang paggunita sa pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo ay magandang pagkakataon upang magnilay at muling magbalik-loob sa pananampalataya bilang mabubuting mamamayan.

“Sa ating pagninilay-nilay sa sagrado at mahalagang panahon na ito, suriin natin ang ating mga gawa at diwa; timbangin ang ating ambag sa lipunan; at pag-isipan kung paano natin maisasabuhay ang mga aral ng ating Panginoong Hesukristo,” pahayag ni Abalos.

Samantala, inihayag naman ng kalihim na patuloy ang pagkilos at pagbabantay ng DILG at Philippine National Police upang matiyak ang kaligtasan ng mananampalataya sa iba’t ibang lugar ngayong mga mahal na araw.

Tinatayang nasa 35-libong pulis at higit 400 police service dogs ang inatasang magbantay at magsagawa ng inspeksyon mula Marso 28-31 sa mga matataong lugar tulad ng simbahan, pilgrim sites, pasyalan, paliparan, bus terminal, at pantalan.

Dagdag pa ni Abalos na magsasagawa rin ng checkpoint ang PNP sa strategic places bukod pa sa red-teaming operations kasama ang Regional at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Councils, bilang paghahanda sakaling magkaroon ng sakuna.

“Kalakip po ng ating pagpapakita ng pananampalataya ay ang pag-iingat laban sa mga kriminal na walang pinipiling panahon upang mambiktima. Mahigpit po ang paalala namin sa publiko na mag-ingat at maging listo upang maiwasan ang disgrasya at maging biktima ng krimen. Be vigilant and stay safe this Holy Week,” giit ni Abalos.

Hinikayat naman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga mananampalataya na makibahagi sa mga gawaing simbahan ngayong Semana Santa, at manalangin para sa patuloy na kapayapaan ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 19,100 total views

 19,100 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 47,105 total views

 47,105 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 64,905 total views

 64,905 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 64,115 total views

 64,115 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 175,181 total views

 175,181 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 10,295 total views

 10,295 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top