Suriin ang gawa at diwa sa paggunita ng Semana Santa, paalala ng kalihim ng DILG

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,121 total reads

Pinaalalahanan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang publiko para sa mapayapa at makabuluhang paggunita sa Semana Santa.

Ayon kay Abalos, ang paggunita sa pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo ay magandang pagkakataon upang magnilay at muling magbalik-loob sa pananampalataya bilang mabubuting mamamayan.

“Sa ating pagninilay-nilay sa sagrado at mahalagang panahon na ito, suriin natin ang ating mga gawa at diwa; timbangin ang ating ambag sa lipunan; at pag-isipan kung paano natin maisasabuhay ang mga aral ng ating Panginoong Hesukristo,” pahayag ni Abalos.

Samantala, inihayag naman ng kalihim na patuloy ang pagkilos at pagbabantay ng DILG at Philippine National Police upang matiyak ang kaligtasan ng mananampalataya sa iba’t ibang lugar ngayong mga mahal na araw.

Tinatayang nasa 35-libong pulis at higit 400 police service dogs ang inatasang magbantay at magsagawa ng inspeksyon mula Marso 28-31 sa mga matataong lugar tulad ng simbahan, pilgrim sites, pasyalan, paliparan, bus terminal, at pantalan.

Dagdag pa ni Abalos na magsasagawa rin ng checkpoint ang PNP sa strategic places bukod pa sa red-teaming operations kasama ang Regional at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Councils, bilang paghahanda sakaling magkaroon ng sakuna.

“Kalakip po ng ating pagpapakita ng pananampalataya ay ang pag-iingat laban sa mga kriminal na walang pinipiling panahon upang mambiktima. Mahigpit po ang paalala namin sa publiko na mag-ingat at maging listo upang maiwasan ang disgrasya at maging biktima ng krimen. Be vigilant and stay safe this Holy Week,” giit ni Abalos.

Hinikayat naman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga mananampalataya na makibahagi sa mga gawaing simbahan ngayong Semana Santa, at manalangin para sa patuloy na kapayapaan ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 43,039 total reads

 43,039 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 128,403 total reads

 128,403 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 175,140 total reads

 175,140 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 223,012 total reads

 223,012 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 324,984 total reads

 324,984 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,347 total reads

 169,347 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top