Charity is love

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,684 total views

Sinuportahan ng Diyosesis ng Antipolo ang mga programa ng Caritas Manila upang mapabuti ang antas ng pamumuhay ng mamamayan hindi lamang sa Metro Manila maging sa iba pang bahagi ng bansa.

Tinukoy ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang isinagawang Caritas Manila- Alay-Kapwa telethon 2024 na inilalaan sa mga programa ng Social Arm ng Archdiocese of Manila ang pondong malilikom.

Sinabi ng Obispo na ang pagmamalasakit sa kapwa ay pagsasabuhay ng pagkakawanggawa na nagpapakita ng pagmamahal.

Ayon kay Bishop Santos, sa bisa ng pagtulong ay nai-aangat sa pamamagitan ng social arm ng Archdiocese of Manila ang kalidad ng pamumuhay ng mga pinakamahihirap sa lipunan.

This, Caritas Manila Telethon 2024 thru Radio Veritas 846 is act of love, it is charity, charity is love, with this we show how much we care, we are so concerned with the welfare and wellbeing of our brothers and sisters, we let them feel and that we are one with them, we help, we give them hope, we are calling and encourage you, dearest listeners, We share our goods, show our goodwill and God surely will be gracious to us,

Tiniyak rin ni Bishop Santos ang pananalangin para sa pagtatagumpay ng mga inisyatibo ng Caritas Manila nakatuon sa pagtulong sa mga mahihirap.

Noong nakalipas na taon, tinugunan ng Caritas Manila at Diocese of Antipolo Social Action Center ang pangangailangan ng naiwang pamilya ng 27-katao na namatay sa paglubog ng pampasaherong bangka sa Talim Island Binangonan Rizal.

Kasunod nito ang pamamahagi din ng relief assistance sa mga lubhang naapektuhan ng bagyong Egay noong 2023 sa mga bayan ng Binangonan, Angono, Cardona at Montalban sa lalawigan ng Rizal na nasasakupang ng Diyosesis ng Antipolo.

Samantala, umabot sa 3.3-milyong piso ang nalikom na pondo ng Caritas Manila sa pagtatapos ng Alay-kapwa Telethon 2024.

Ilalaan ang nalikom na pondo sa mga programa ng Caritas Damayan na nakatuon sa Disaster Response Program, kabilang na ang pagpapakain sa mga biktima ng malunutrisyon, pagpapaaral sa mga mahihirap na estudyante at pagbibigay ng hanapbuhay sa mga mahihirap

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 86,036 total views

 86,036 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 108,146 total views

 108,146 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 183,093 total views

 183,093 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 180,618 total views

 180,618 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radio Veritas, kinilala ni Bishop Santos

 6,169 total views

 6,169 total views Nagsisilbi ang himpilan ng Radyo Veritas bilang ilaw para sa mga Pilipino at mananampalatayang nangangailangan ng katotohanan tuwing nakakaranas ng sakuna, pangamba at

Read More »
Scroll to Top