Pagdukot sa 2 environmental defenders, kinundena ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,943 total reads

Kinundena ng development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang marahas na pagdukot sa dalawang environmental defenders sa Pangasinan.

Tinukoy ng Caritas Philippines ang mga pinuno ng Pangasinan People Strike for the Environment Inc. (PPSEI) at miyembro ng Lingayen-Dagupan Archdiocesan Ministry on Ecology na sina Francisco “Eco” Dangla III at Axielle “Jak” Tiong.

Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, hindi makaturungan ang ginawang pagdukot sa dalawang tagapagtanggol ng kalikasan dahil ang kanilang ipinaglalaban ay para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

“This violent act against Mr. Dangla and Mr. Tiong, who selflessly dedicate their lives to protecting our environment, is a flagrant assault on us all. We will not tolerate silencing those who bravely fight for a sustainable future,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Marso 24 nang dinukot at sapilitang pinasakay sa van ng mga hindi kilalang indibdwal sina Dangla at Tiong batay sa salaysay ng mga nakasaksi sa insidente.

Kilala ang dalawang tagapagtanggol ng kalikasan sa kanilang matapang na pagpapahayag at mariing pagtutol sa offshore mining sa Pangasinan.

Nananawagan naman si Bishop Alminaza sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. upang mabigyang-katarungan ang karahasang ginawa kina Dangla at Tiong.

Muli ring nagpahayag ng suporta ang Caritas Philippines para sa pagsusulong ng Human Rights Defenders Protection Act upang mapangalagaan ang bawat mamamayan lalo na ang mga indibidwal at grupo na nagtatanggol para sa karapatang-pantao.

“This legislation is no longer a luxury, but a necessity. Environmental defenders and human rights advocates, like these leaders from PPSEI, deserve the shield of law from threats, harassment, and violence,” giit ni Bishop Alminaza.

Dalangin ni Bishop Alminaza na mahinto na ang pag-atake at pagbibitaw ng maling paratang sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao at pangkalikasan, at sa halip ay mangibabaw ang paggalang at maayos na ugnayan para sa pagkakaroon ng mapayapang lipunan.

“Caritas Philippines will remain a relentless voice for those who fight to protect our environment and secure a just and sustainable future for all,” saad ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 37,371 total reads

 37,371 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 123,132 total reads

 123,132 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 169,870 total reads

 169,870 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 217,742 total reads

 217,742 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 319,932 total reads

 319,932 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,130 total reads

 169,130 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top