DENR, hinamong pangalagaan ang mga protected area sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,232 total reads

Dapat tiyakin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapalawak ng mga layunin ng Masungi Georeserve Foundation sa pangangalaga sa protected area.

Ayon kay Alyansa Tigil Mina national coordinator Jaybee Garganera, ito ang mahalagang pagtuunan ng DENR sa halip na ituloy ang planong pagbawi sa 2017 Memorandum of Agreement (MOA) para sa Masungi Geopark Project.

Iginiit ni Garganera na ang hakbang ng kagawaran ay maituturing na pagsasantabi sa tungkuling pangalagaan ang kalikasan katulad na lamang ng isinusulong ng Masungi Georeserve para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

“We fully support the Masungi Georeserve Foundation for its successful reforestation and management of the Masungi Georeserve Park. The justification of the DENR to cancel the MOA is flimsy and uses a technicality that misses the broader picture of conserving the Masungi Georeserve as a necessity for future generations,” pahayag ni Garganera.

Nakapaloob sa 2017 MOA na nilagdaan sa ilalim ng pamumuno ng yumao at dating Environment Secretary Gina Lopez ang pagsasakatuparan ng Masungi Geopark Project, na may lawak na 3,000 ektarya sa bahagi ng Upper Marikina Watershed at Kaliwa Watershed sa lalawigan ng Rizal.

Pinuri naman ng grupo ang hindi matatawarang pagtugon ng Masungi Georeserve sa pangangalaga sa kalikasan na umani na rin ng iba’t ibang karangalan.

Kabilang na rito ang pagkilala sa Masungi Geopark Project bilang world class Filipino environment project sa 2024 World Economic Forum sa Davos, Switzerland, at nang manalo naman sa 2022 United Nations Sustainable Development Goals Action Campaign Inspire Awards.

“The Foundation has undoubtedly done a great job concerning environmental protection, which has earned accolades internationally. Instead of cancelling the MOA, the DENR should ensure that the Foundation further expands its efforts and aid them by removing the illegal occupants in the area,” saad ni Garganera.

Una nang nagpahayag ng suporta ang Caritas Philippines sa Masungi Georeserve, at nanawagan sa pamahalaan na magkaroon ng maayos na pakikipag-diyalogo para baguhin ang desisyon sa pagbawi sa kasunduan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 76,847 total reads

 76,847 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 135,016 total reads

 135,016 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 271,525 total reads

 271,525 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 387,295 total reads

 387,295 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 244,913 total reads

 244,913 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top