CBCP, nag-alay ng panalangin para sa mga opisyal ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,560 total views

Nag-alay ng panalangin ang humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para mga opisyal at lider na namamahala sa bansa.

Kasabay ng paggunita sa Good Shepherd Sunday na itinuturing din na Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa Bokasyon, inalala at ipinanalangin ng Caritas Philippines sa pangunguna ng pangulo nito na si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pagkakaroon ng matuwid at matapat na pamamahala ng lider ng bansa.

Bahagi ng panalangin ng social arm ng CBCP ang paggabay ng Banal na Espiritu sa mga opisyal ng bayan upang tuwinang isabuhay ang paglilingkod ng dalisay at tapat para sa kabutihan ng mas nakararami o ng common good.

“This Sunday, we remember and pray for all the leaders in the country, especially our political leaders. We pray that they carefully discern the signs of times and be open to the promptings of the Holy Spirit so they become agents of common good.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na ang mga tunay na opisyal ng bayan ay maituturing din na pastol ng lipunan na dapat magprotekta at mangalaga sa kanyang kawan mula sa kawalang katurungan at pang-aabuso o paglapastangan.

Partikular na tinukoy ng Obispo ang paninindigan ng mga opisyal ng pamahalaan sa soberenya ng bansa lalo’t higit sa sitwasyon ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Paliwanag ni Bishop Bagaforo, kabilang sa katangian ng isang mabuti at mahusay na lider ang pagkakaroon ng matibay na misyon at paninindigan sa pagsusulong ng makabubuti at ikauunlad ng sambayanan kung saan walang naisasantabing sinuman sa lipunan.

“As good shepherds bring their flock to green pastures and guard against wolves, we need leaders who will conserve and protect our patrimony, such as the West Philippine Sea for the present and future generations. Good leaders are essential and indispensable in the work of social charity to uplift the quality of life of the lost, the last and the least.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Matatandaang una ng inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa naganap na Plenary Assembly ng kalipunan noong Enero ng kasalukuyang taon ang pagdeklara sa Good Shepherd Sunday hanggang Solemnity of the Sacred Heart of Jesus bilang Good Governance Month kung saan kabilang sa pananalangin sa buong buwan ang Prayer for Peace and Social Transformation sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang climate disinformation

 22,999 total views

 22,999 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 44,274 total views

 44,274 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 217,442 total views

 217,442 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 237,965 total views

 237,965 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top