Pamahalaan at Kongreso, hinamong iregalo sa mga manggagawa ang “Apat Dapat”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,243 total reads

Hinamon ng pangulo ng Caritas Philippines ang pamahalaan at mga mambabatas na ipatupad ang inisyatibong “Apat Dapat” para makamit ng mga manggagawa ang nakakabuhay na sahod.

Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines sa paggunita ng pandaigdigang araw ng paggawa o labor day.

Ayon kay Bishop Bagaforo, responsibilidad ng pamahalaan at mga mambabatas na isakatuparan ang “Apat Dapat” na tugon sa mabigat na pasanin ng mamamayang Pilipino lalu na ng mga manggagawa.

Kapaloob sa “Apat Dapat” initiative ang mababang halaga ng mga bilihin at serbisyo publiko, karapat-dapat na umento sa sahod ng mga manggagawa sa buong bansa upang matugunan ang mataas na inflation rate sa bansa.

Pangatlo ang pagtugon sa laganap na kahirapan at paglikha ng pamahalaan ng maraming oportunidad ng trabaho para sa mamamayan.

Nanawagan din si Bishop Bagaforo kasama ang iba’t-ibang labor groups sa pamahalaan at kongreso na i-atras ang panukalang charter change at gawing prayoridad ang kapakanan ng mamamayan.

“Sa panawagang ‘Sahod Itaas! Chacha I-atras!’ itaas ang sahod, ibasura ang Charter change, mariing nakikibaka ang mga manggagawa laban sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin at mababang pasahod, hiling ng mga manggagawa na maisasabatas ang dagdag sahod kada araw na kung saan ang 100 pesos na panukala ay inaprubahan na ng senado,” mensahe ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Ipinarating din ni Bishop Bagaforo ang mensahe sa pinangunahang “Misa Para sa Dalangin ng Manggagawang Pilipino: Sahod Itaas, ChaCha Iatras!” ng Simbahan at Komunidad Laban sa ChaCha (SIKLAB).

Nakiisa din sa misa si Senator Risa Hontiveros kasama ang iba pang kinatawan ng labor sector upang mapalakas ang apela ng kalipunan ng mga manggagawa at makamit na ang katarungang panlipunan.

“Kaisa ng buong SIKLAB sa pamumuno ni Bishop Colin Bagaforo na ating naging celebrant, taos puso’t buong loob na pakikiisa ng hanay namin na mga kilusang mamamayan at ng simbahan sa ating mga kababayang manggagawa sa paggunita bukas ng Araw ng Paggawa, buong loob po kaming nakikiisa sa inyong panawagan na Sahod Itaas! Chacha Iatras! buong loob din po kami sumusuporta na ‘Dapat Apat’ bukas at sa mga susunod pang panahon sa pagtatagumpay,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Senator Hontiveros.

Kinilala naman ni Rene Magtubo – Chairperson ng Partido Manggagawa at spokesperson ng Nagkaisa Labor Coalition ang inisyastibo ng SIKLAB na isang malinaw na pagpapakita ng simbahan ng malalim na kasaysayan ng pagkakaisa sa mga manggagawa.

Ayon sa mga pag-aaral ng Ibon Foundation, dahil sa pananatiling mataas ng inflation rate, umaabot na sa 1,207-pesos ang Family Living Wage o halaga ng suweldong ipangtustos ng isang manggagawa sa 5-miyembro ng kanyang pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 97,250 total reads

 97,250 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 133,006 total reads

 133,006 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 167,138 total reads

 167,138 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 223,544 total reads

 223,544 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top