DoH sa LGU: ‘Iwasan muna ang mga pagdiriwang sa open ground”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,783 total reads

Iminumungkahi ng Department of Health sa mga lokal na pamahalaan na iwasan muna ang pagdaraos ng mga gawain sa ‘open ground’ dulot ng init ng panahon.

Ayon kay Health Assistant Secretay at Deputy Spokesperson Dr. Albert Domingo, ito ay upang makaiwas sa mga sakit na dulot at maaring magpalala sa karamdamang taglay ng mga tao.

Kinumpirma rin ng DoH na naitala ng tanggapan simula Enero hanggang Abril ang 77 kaso ng heat-related illnesses, kung saan pito sa mga ito ang nasawi.

Paliwanag ni Domingo, anim sa pitong nasawi ay may ibang karamdaman na pinalala pa ng labis na init na panahon.

Sa 77 kaso ng heat related-illnesses ayon pa sa DoH, 39 sa mga pasyente ang nakibahagi sa street dance sa Central Visayas.

“Mayroon po tayong clustering may isang grupo sa 77 cases, 39 na mga nag-street dancing, magkakasama sila sa isang pista sa Central Visayas. Kaya pinaalalahanan namin sa lahat po ng mga local government na nagpapapista sa panahong ito, piliin po natin ang oras,” ayon kay Domingo.

Ayon pa sa opisyal ng DoH, na iwasan ang mga oras ng ika-10 ng umaga hanggang sa ikaapat ng hapon na siyang nararanasan ang pinakamainit.

“Baka pwede namang night party or evening ceremony para hindi mainit,” ayon kay Domingo.

Ang buwan ng Mayo sa Pilipinas ay isa sa may pinakamaraming gawain at pista na ipinagdiriwang, kabilang na ang pagdaraos ng ‘Flores de Mayo’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 111,666 total reads

 111,666 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 156,337 total reads

 156,337 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 178,541 total reads

 178,541 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 215,031 total reads

 215,031 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 429,351 total reads

 429,351 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top