Kabataan, biyaya ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,143 total reads

Hinimok ni Laoag Bishop Renato Mayugba Jr. ang mga magulang at legal guardians na ipagpatuloy ang mabuting paghubog sa mga bata tungo sa kabutihan at maayos na paglaki.

Ito ang mensahe ng Obispo sa kauna-unahang World Children’s Day sa Archdiocesan Shrine of Nuestra Senora del Perpetuo Socorro (NSPS Shrine) na nasasakupan ng Archdiocese of Manila sa Pilipinas.

Inihayag ng Obispo na kadalasang napagsasawalang bahala ang pakikiisa ng mga bata sa buhay panananampalataya at pamayanan.

Hangarin ng Obispo na lalung mapayabong ang pakikiisa ng mga bata sa mga gawaing simbahan at pamayanan.

“Mahalaga ito, because the value of Children in the World is sometimes being lost and there’s so much need for a reappreciation of children in our families and in our society and in the whole; our whole world, sila ang kung minsan nakakalimutan kaya the Holy Father was very wise in bringing into focus once again the children, the joy of parents, the future of the world,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Mayugba.

Ipinaalala din ng Obispo ang mahalagang mensahe sa mga bata na sila ay biyaya ng Panginoon para sa kanilang magulang at higit na para sa simbahan.

Ipinaparating naman ni Father Antonio Navarete Jr., Rector at Parish Priest ng NSPS Shrine ang pasasalamat kay Ms.Jacqueline Marzan Tolentino na lead convenor ng Ignite Hope Philippines at World Children’s Day Filipinas dahil napili nila ni Bishop Mayugba ang dambana na pagdausan ng kauna-unahang world children’s day.

Umaasa ang pari na sa pamamagitan ng pagdiriwang ay lalung mapalaganap ang kamalayan ng mga magulang at legal guardians sa mga usaping kinakaharap ng mga kabataan.

“At itong simulain na ito ay magandang ipagpatuloy kasi tama nga naman, sa bible ang mga bata ay modelo ng kaligtasan, so tinatawagan natin yung mga handlers, mga magulang, mga guardians na take note itong event na ito ay baka makarating sa kung saanmang lugar sa susunod, mas maging- kumbaga nasa unahan ang pagbibigay halaga sa mga bata dahil maging si Hesus ay inuna ito,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Navarete.

Taong 2023 nang itakda ng kaniyang Kabanalang Francisco sa May 25 at 26 ang unang World Children’s Day na idinaos sa Roma.

Itinatag ito ng Santo Papa upang kilalanin ang mga bata, bigyan sila ng boses at maisulong ang mga adbokasiyang tutugon sa pagpapabuti ng kanilang buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 90,728 total reads

 90,728 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 126,865 total reads

 126,865 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 160,997 total reads

 160,997 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 217,402 total reads

 217,402 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top