Pagsusulong ng kapayapaan at katarungang panlipunan, iniwang legacy ni Fr. Picardal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,512 total reads

Pumanaw na sa edad na 69 na taong gulang ang kilalang peace advocate na si Redemptorist Fr. Amado “Picx” Picardal, CSsR.

Ayon kay Rev. Fr. Edilberto Cepe, C.Ss.R.- provincial superior ng Redemptorist Province of Cebu, namayapa si Fr. Picardal kasabay ng ika-47 anibersaryo ng kanyang religious profession noong ika-29 ng Mayo, 2024 bagamat hindi na idinetalye pa ng kongregasyon ang iba pang impormasyon.

Binigyang pagkilala naman ni Fr. Cepe at ng Redemptorist Province of Cebu ang paninindigan ni Fr. Picardal sa pagsusulong ng kanyang adbokasiya na may kaugnayan sa kapayapaan at katarungang panlipunan sa bansa.

“Fr. Picx was a brilliant and courageous missionary. He was a passionate advocate of peace and social justice and a professor of theology who has touched and transformed the lives of many.” pagbabahagi ni Fr. Cepe.

Nakilala si Fr. Picardal sa kanyang matapang na pagdokumento at pakikibahagi sa pagsusulong ng katarungan kaugnay sa mga pagpaslang na nagaganap sa Davao City, partikular na sa tinaguriang Davao Death Squad (DDS) kung saan noong 2017 ay gumawa ng isang detalyadong pagtatala ang Pari kaugnay sa mga nasabing karahasan na may kaugnayan sa DDS mula taong 1998 hanggang 2015 na kabilang sa mga impormasyong ipinasa sa International Criminal Court (ICC) hingil sa human rights violations na nagaganap sa bansa.

Nakilala at tinagurian din si Fr. Picardal bilang “biking priest” kung saan sa pamamagitan ng pagbibisikleta sa iba’t ibang lugar sa bansa ay kanyang isinuslong ang kanyang mga adbokasiya sa kapayapaan at katarungang panlipunan para sa bawat mamamayan.

Ipinanganak si Fr. Picardal noong October 6, 1954 at naordinahang Pari noong April 24, 1981 kung saan kayang mariing isinulong ang pagkakaroon ng kapayapaan at katarungang panlipunan sa bansa, nagsilbi rin si Fr. Picardal bilang dating executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Basic Ecclesial Community Committe na ngayon ay isa ng Episcopal Commission.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 3,542 total reads

 3,542 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 113,390 total reads

 113,390 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 158,061 total reads

 158,061 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 180,265 total reads

 180,265 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 216,731 total reads

 216,731 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top