Panibagong harassment ng CCG sa mga sundalong Pilipino sa WPS, kinundena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,055 total reads

Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang panunutok ng baril sa mga kawani ng Chinese Coastguard (CCG) at inaakusahang kumumpiska sa mga suplay na ipinadala sa mga crew ng BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea.

Nanindigan ang A-F-P na kumikilos ito ng may disiplina at patuloy na pinaiiral ng mga sundalo ang pagiging propesyunal para maiwasan ang anumang kaguluhan sa WPS.

“The Armed Forces of the Philippines denies the reported allegations of gun-pointing by our troops stationed in BRP Sierra Madre (LS57) in Ayungin shoal to China Coast Guard (CCG) personnel, our personnel are governed by the Rules of Engagement (ROE) and clearly acted with the highest level of professionalism, restraint, and discipline in the performance of their mission to safeguard our sovereignty and sovereign rights,” ayon sa ipinadalang mensahe ng AFP sa Radio Veritas.

Nilinaw naman ng A-F-P na ang China Coastguard ang nagsimula ng tensyon matapos lumapit sa BRP Sierra Madre nang walang pahintulot na isang paglabag sa distance protocol ng mga sasakyang pandagat sa WPS.

Kinundena naman ni Rafaela David ng Atin Ito Movement ang patuloy na harassment,pagkumpiska ng CCG sa ipinadalang food supply at pagharang sa medical aid para sa mga sundalong Pilipino.

“We vehemently condemn the despicable actions of the Chinese Coast Guard! Their behavior reeks of piracy, not diplomacy. By plundering food supplies meant for our brave frontliners and blocking medical aid, China reveals its disdain for human rights and dignity. This isn’t about peace; it’s about power and dominance,” ayon sa mensahe ni David na ipindala ng Atin Ito Movement sa Radio Veritas.

Nakikiisa naman si Running Priest Father Robert Reyes katuwang ang simbahang katolika sa Pilipinas sa paninindigan at pagkilos para sa inaangking teritoryo sa West Philippine Sea.

Naunang inilunsad ni Fr.Reyes ang ‘Bandila at Kandila para sa Soberanya at Kapayapaan’ kung saan inaanyayahan ang mga mananampalataya na magsabit ng bandila ng Pilipinas sa tahanan at magsindi ng kandila tuwing ika-anim ng gabi upang ipanalangin ang pagtigil ng China sa pang-aangkin sa West Philippine Sea.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 87,651 total reads

 87,651 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 124,032 total reads

 124,032 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 158,164 total reads

 158,164 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 214,569 total reads

 214,569 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top