DSAC-San Carlos, tumulong sa evacuation ng mga apektado ng Mt. Kanlaon eruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,541 total reads

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Social Action Center ng Diocese of San Carlos, Negros Occidental (DSAC) sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Nabanggit sa unang situational report ng DSAC-San Carlos ang pakikipagtulungan ng simbahan sa mga lokal na pamahalaan ng Negros Oriental at Negros Occidental upang matiyak ang kaligtasan ng mga residenteng apektado ng aktibidad ng bulkan.
“At the onset of the volcanic eruption, the DSAC through the MSSAC [Mission Stations] and PSAC [Parish] were able to relay important data and information that aided the local unit to evacuate affected individuals and families,” batay sa DSAC-San Carlos situational report.
Tinatayang nasa 70 pamilya o 274 indibidwal ang inilikas mula sa Barangay Masulog, Canlaon City, kung saan nasa 50 pamilya at 200 displaced individuals ang nasa evacuation centers sa Barangay Masulog, habang halos 30 pamilya at 90 indibidwal naman sa Barangay Pula.
Naghanda naman ang Department of Social and Welfare Development Region 7 ng 10-libong food packs, 130 hygiene kits, at 5,000 face masks para ipamahagi sa mga apektadong indibidwal, pamilya, at pamayanan.
Gayunman, higit pa ring kailangan sa evacuation centers ang karagdagang face masks, maiinom na tubig, food packs, at mga gamot.
Samantala, maliban sa mga barangay at sitio sa ibabang bahagi ng Bulkang Kanlaon, apektado rin ng volcanic ash fall, pagbagsak ng mga bato, at masangsang na amoy dulot ng asupre ang mga karatig na bayan ng La Castellana, Moises Padilla, at San Carlos City sa Negros Occidental; at Vallehermoso at ilang bahagi ng Guihulngan City sa Negros Oriental.
Inilunsad na rin ng lokal na pamahalaan ng Canlaon City ang Incident Command System upang matiyak ang kaligtasan at kahandaan ng mga pamayanan sa posibleng maging aktibidad ng Bulkang Kanlaon sa mga susunod na oras.
“Emergency Hot lines were also opened for residents to immediately ask for help or to report important incidents. Evacuation centers were being ready to accommodate affected families and individuals. The LGU also identified safe zones so as to aid in the smooth evacuation of the affected,” ayon sa ulat.
Sa huling ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, itinaas na sa alert level 2 mula alert level 1 ang Bulkang Kanlaon dulot ng pagsabog na tumagal ng anim na minuto, kagabi.
Naitala rito ang 43 volcanic earthquakes at pagbuga ng asupre o sulfur dioxide na umabot sa 797 tonelada at may taas na 5000 metro.
Mahigpit namang ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone at pagpapalipad ng anumang sasakyang himpapawid malapit sa tuktok ng bulkan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 38,738 total reads

 38,738 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,470 total reads

 74,470 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 300,740 total reads

 300,740 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,208 total reads

 194,208 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 286,154 total reads

 286,154 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 151,805 total reads

 151,805 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top