Mamamayan, hinimok ng Obispo na ipagdasal ang China na ihinto na patuloy na paniniil sa WPS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,206 total views

Muling umapela si San Fernando La Union Bishop Daniel Presto na magkaisa ang mga Pilipino upang mapalakas ang panawagan sa China na itigil na ang paniniil sa West Philippine Sea.

Ayon sa Obispo, nararapat ng matigil ang China sa pagtataboy, pagkuha ng mga suplay, ilegal na pangingisda, at paniniil sa mga Pilipinong nangingisda at nagpapatrolya sa teritoryong pagmamaya-ari ng Pilipinas.

Ayon kay Bishop Presto, sa tulong ng pagkakaisa at sama-samang pananalangin ay tiyak na maririnig ng Panginoon ang mga panalangin na mapalaya na ang Pilipinas mula sa paniniil ng China.

“Alam natin na nariyan ang challenge sa Philippine Sea, sa West Philippine Sea, alam natin na marami ang mga kababayan natin na mangingisda na hindi makapangisda dahil nga sa issue, sa usapin diyan sa West Philippine Sea, kaya nga ating maipagdasal na nawa ay makamit natin ang kasarinlan diyan sa dagat na kinabibilangan ng atin na kasama sa ating Inang Bayan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Presto.

Magugunita na bunsod sa paniniil ng China, marami sa mga Pilipinong mangingisda ang hindi makapaglayag sa West Philippine Sea dahil sa pangamba ng harassment na maaring gawin ng China sa kanilang mga sasakyang pangdagat.

Patuloy din ang pakikiisa, pananalangin at pagdaraos ng mga pagkilos ni Running Priest Fr.Robert Reyes ng Diyosesis ng Cubao upang mapalalim ang kaalaman ng mga Pilipino at mapaigting ang kampanya upang ipananalangin na itigil na ng China ang paniniil sa teritoryong pagmamay-ari ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 59,367 total views

 59,367 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 55,236 total views

 55,236 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 91,438 total views

 91,438 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 99,719 total views

 99,719 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 124,114 total views

 124,114 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top