Photo Source: St. Nicholas Of Tolentine Parish Cathedral / Historic Cabanatuan Cathedral

National Historical marker, iginawad sa Cabanatuan cathedral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,405 total views

Binigyang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang St. Nicholas of Tolentine Parish Cathedral o mas kilala bilang Cabanatuan Cathedral sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa.

Pinangunahan ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud ang unveiling ng national historical marker na matatagpuan sa Cabanatuan Cathedral kung saan ang kumbento ng Simbahan ay dating nagsilbing tanggapan ng Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo nang ilipat ang kabisera ng Unang Republika ng Pilipinas sa Cabanatuan noong Mayo ng taong 1899.

Sa naganap na paghahawi ng tabing sa mga panandang pangkasaysayan ng landas ng pagkabansa ng Pilipinas ay tinukoy ni National Historical Commission of the Philippines executive director Carminda Arevalo ang mahalagang papel na ginagampanan ng Cabanatuan Cathedral bilang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng unang demokrasya at republika sa buong Asya.

Ayon kay Arevalo, saksi ang Katedral ng Cabanatuan sa ladas ng pagkabansa ng Pilipinas partikular na sa pagsasakripisyo ng sariling buhay ng mga Pilipinong sundalo para sa ipinaglalabang kalayaan ng bansa kasabay ng pag-alala sa kamatayan at pagpaslang kay Heneral Antonio Luna sa plaza sa harapan ng kumbento noong ika-5 ng Hunyo, taong 1899.

“Ang mga panandang pangkasaysayan na ating pinasinayaan ay paggunita ng pinagtagpi-tagpi at hinabing kasaysayan ng Simbahan, ng bayan at ng bansa. Inaalala natin ang Simbahan sa kamatayan ni Heneral [Antonio] Luna na hanggang sa huli, handang isakripisyo ang buhay para sa bayan, ginugunita din natin ang unang republika ng Pilipinas at ang mga Pilipinong dumanak ang dugo para sa ipinaglalabang kalayaan. Nawa’y magsilbing paalala ito na hindi lamang sa bayan at Simbahan kundi sa buong bansa ang naging mahalagang papel ng Cabanatuan sa makulay na kasaysayan ng Pilipinas.” Bahagi ng pahayag ni Arevalo.

Paliwanag ni Arevalo, mahalagang alalahanin ang naging pambihirang papel ng Katedral ng Cabanatuan sa pag-unlad ng bayan at kasaysayan ng Pilipinas.

“Ang kasaysayang lokal ng Pilipinas, ang pagtatatag ng Simbahan ay kadalasang siya ring itinuturing na pagkakatatag ng bayan. Sa pag-unlad ng bayan kasabay nito ang paglago ng Simbahan at nagiging bahagi ito ng kasaysayan ng bayan at bansa kaya’t nararapat lamang na ating alalahanin ang naging papel ng Katedral ng Cabanatuan sa pag-unlad ng bayang ito at sa kasaysayan ng Pilipinas.” Dagdag pa ni Arevalo.

Naganap ang unveiling ng national historical marker sa Cabanatuan Cathedral noong ika-14 ng Hunyo, 2024 na personal din sinaksihan ng mga lokal na opisyal ng bayan ng Cabanatuan kasama ang mga ilang mga opisyal ng katedral at ng Diyosesis ng Cabanatuan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 58,277 total views

 58,277 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 54,146 total views

 54,146 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 90,348 total views

 90,348 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 98,677 total views

 98,677 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 123,163 total views

 123,163 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top