Philrailway Tech 2024, kinilala ng Office for Transportation Security

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,899 total reads

Kinilala ng Office for Transportation Security ng pamahalaan ang Philrailway Tech 2024 sa pagsama-sama ng mga nangungunang dalubhasa at propesyunal sa pagtatayo ng tren at riles.

Ayon kay Office for Transportation Security Assistant Secretary Jose Briones, malaking tulong sa transport sector ang pagdaraos ng Philrailway Tech 2024 kung saan mapapatibay pa ang mga pagpa-plano at paghahanda sa pagtatayo ng linya ng tren sa Pilipinas.

Sinabi ni Briones na sa pamamagitan nito ay mapapabilis ang pag-unlad ng transportasyon sa pamamagitan ng mga railways.

“Nagpapasalamat tayo, unang-una sa mga organizers kasi napapagbigyan at naimbitahan ang Office for Transportation Security, naihayag natin yung ating ginagawa at yung ating katungkulan na sa pamamagitan,dito sa rail sector infact sa buong transportation sector na ang enhancement security sa ating transportation sector,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Briones.

Tiniyak ni Briones na bukod sa railway ay bukas din ang pamahalaan na makipagtulungan sa pribadong sector upang mapabuti at mapaunlad ang land, sea at aviation transport.

Ikinagalak din ni Mark Bronola, Head of Sales and Production ng Escom Events ang pakikiisa ng pamahalaan at mga nangungunang railway at technology company sa Philrailway Tech 2024 na idinaos sa temang “Tracks to Tomorrow: Exploring the Frontier of the Philippine Railway Tech”.

Inihayag ni Bronola na napagtibay nito ang ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sector upang higit na maisa-ayos ang transport system sa bansa.

“We have huge projects going on and we are looking forward to work directly with the government to expand the reach and also the off course the awareness in the Philippines cause it’s really growing when it comes to railway and maybe about 10 to 20 years we can say that our Philippine Railway Industry you know being like Japanese of Chinese when it comes to advancement or technology” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bronola.

Suportado ng kanyang Kabanalang Francisco ang mga katulad na hakbang sa pagpapaunlad ng transport sector na magdudulot ng mas maayos na pamumuhay para sa mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 79,336 total reads

 79,336 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 116,234 total reads

 116,234 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 150,363 total reads

 150,363 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 206,771 total reads

 206,771 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top