Suporta sa naiwang pamilya ng EJK victims, paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,610 total reads

Paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang suporta sa pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings sa marahas na implementasyon ng war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Sa ilalim ng Program Paghilom ay nagkakaloob ng iba’t ibang tulong at suporta ang organisasyon para sa naiwang asawa, magulang at anak ng mga biktima ng EJK sa bansa.

Para higit na mapalawak ang misyon ng Program Paghilom ay itayo ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang Dambana ng Paghilom – Himlayan ng mga biktima ng EJK sa La Loma Cemetery sa Caloocan na kauna-unahang EJK Memorial site.

15-urns ng mga biktima ng EJK ang inihimlay sa Dambana ng Paghilom noong ika-27 ng Hunyo, 2024 kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo o Our Lady of Perpetual Help.

Pinangasiwaan ni Rev. Fr. Eduardo Vasquez, OMI ang isang simpleng seremonya at pagbabasbas bago ang paghahatid sa huling hantungan sa mga biktima ng EJK dulot ng war on drugs ng nakalipas na administrasyon.

“The search for healing & closure continues. 15 more urns containing the mortal remains of EKJ victims were interred earlier today, June 27, at the “Dambana ng Paghilom”, La Loma Catholic Cemetery, Caloocan City. Fr. Eduardo Vasquez, OMI officiated a simple liturgical ceremony & blessing to finally lay their remains to rest. Family members, mostly under the care of #ProgramPaghilom, were present at the event.” Pagbabahagi ng AJ Kalinga Foundation.

Ibinahagi ni Arnold Janssen Kalinga Foundation Inc. – Founder and President – Fr. Flavie Villanueva SVD, na layunin ng EJK Memorial Site na mabigyan ng dignidad at pagpapahalaga ang lahat ng mga biktima ng EJK sa pagkakaroon ng isang naaangkop na himlayan at huling hantungan.

Sa kasalukuyan, mahigit sa 300 ang mga pamilyang kinakalinga ng Program Paghilom ng Arnold Janssen Kalinga Foundation.

Photo Courtesy of Arnold Janssen Kalinga Foundation:

 

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 79,415 total reads

 79,415 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 116,302 total reads

 116,302 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 150,431 total reads

 150,431 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 206,839 total reads

 206,839 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 31,147 total reads

 31,147 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top