Tularan si Apostol San Pedro at San Pablo,hamon sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,148 total views

Hinamon ng kura paroko ng Sts. Peter and Paul Parish, Poblacion, Makati City ang bawat isa na patatagin ang pananampalataya katulad ng ipinahayag nina Apostol San Pedro at San Pablo bilang mga tagasunod ni Kristo.

Ayon kay Fr. Kristoffer Habal, ang bawat isa ay inaanyayahan na higit pang palalimin ang pananampalataya sapagkat ito ang nagpapatibay ng pananalig ng bawat isa sa Panginoon, at bilang mga kasapi ng sambayanan.

Ang panawagan ni Fr. Habal ay mula sa kanyang pagninilay sa Misa Mayor para sa Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo, at pagdiriwang sa Sampiro Fiesta 2024 ng Makati City.

“Kapag mayroon tayong pananampalataya, nagiging matibay tayo. Ang pundasyon ng simbahan ay hindi pundasyong bato o materyal na bagay. Ang pundasyon ng simbahan, ang pundasyon natin bilang sambayanan ay walang iba kung hindi ang pananampalatayang ipinahayag ni Pedro–ang pananampalataya kay hesukristo,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Habal.

Hiniling naman ng pari na ang mga tradisyon at debosyong isinasagawa sa parokya ay magbunsod upang higit pang mapatibay at mapalalim ang pananampalatayang Kristiyano.

Kabilang sa mga debosyong isinasagawa tuwing Sampiro Fiesta ay ang Panatang Sayaw o Baile de los Arcos na nagsimula pa noong 1796 bilang pananalangin at pagpaparangal sa tatlong patron ng Lungsod ng Makati na sina San Pedro at San Pablo, at ang Mahal na Virgen dela Rosa.

“Alam ko dito sa ating parokya marami tayong mga debosyon, tradisyon at kaugalian. Magaganda po ang lahat ng ito pero sana po ang lahat ng ito’y humantong sa pananampalataya…Ang lahat ng gagawin natin dito sa ating parokya sana’y magpatibay at magpalalim pa ng ating pananampalataya kay Hesukristo hanggang ang pananampalataya natin ay maging pundasyon ng ating buhay,” ayon kay Fr. Habal.

Matapos ang Misa Mayor ay isinagawa ang prusisyon ng mga imahen nina San Pedro at San Pablo, na sinundan naman ng tradisyunal na Panatang Sayaw.

Nitong, Hunyo 28, kasabay ng ikasiyam at huling Misa Nobenaryo para sa karangalan ng tatlong patron ay opisyal nang itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula si Fr. Habal bilang kura paroko ng parokya.

Makakatuwang ni Fr. Habal sa parokya bilang mga bikaryo paroko sina Fr. Ramon Merino at Fr. Adrian Albert David.

Magugunita noong nakaraang taon, kasabay rin ng kapistahan ng dalawang apostol, nang kilalanin ng National Museum of the Philippines ang Sts. Peter and Paul Parish bilang Important Cultural Property.

Nito namang ika-23 ng Hunyo, sa bisa ng Makati City Ordinance ay idineklara ng lungsod ang canonically crowned Virgen dela Rosa de Macati bilang patrona ng lungsod at cultural heritage treasure, at ang paglulunsad sa Rosas ng Sampiro Festival.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 16,403 total views

 16,403 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 39,555 total views

 39,555 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 109,669 total views

 109,669 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 184,281 total views

 184,281 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 263,241 total views

 263,241 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top