Suporta sa mga manggagawa sa sektor ng agrikultura, tiniyak ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,972 total views

Tiniyak ng Caritas Manila ang pinaigting na pakikiisa sa panawagan ng sektor ng manggagawa sa agrikultura.

Ito’y matapos patuluyin ng Social Arm ng Archdiocese of Manila sa tanggapan ang may 300 magsasaka, mga kabataan at miyembro ng agricultural groups na pinangasiwaan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Ayon kay Father Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas , ang pagtanggap sa mga magsasaka ay bilang pagpapadama sa sektor na kasama nila ang simbahan higit na ang Social Arm ng Archdiocese of Manila sa kanilang pakikibaka.

“Tayo ay nakikiisa sa mga magsasaka at samahan ng KMP sa kanilang mga hinaing upang matulungan ang mga magsasaka sa panganib sa taripa ng gobyerno ay bababa na, naiintidihan natin na para maging mura ang bigas para sa mamamayan, pero huwag sanang kalimutan ang kalagayan ng mga magsasaka na nangangailangan ng regular at maayos na kita,” pahayag ni Fr.Pascual sa Radio Veritas.

Lubos naman ang pasasalamat ni Danilo Ramos, National Chairperson ng KMP sa pagtanggap ng Caritas Manila sa kanilang hanay bago ang isasagawang kilos protesta para hilingin sa pamahalaan na ipawalang bisa ang Rice Tarrification law at pagpapatigil sa red-tagging at katarungang panlipunan sa mga harassment sa kanilang hanay.

Ayon kay Ramos, sa pamamagitan ng pakikiisa ng mga ecumenical religous groups higit na ng Simbahang Katolika ay napapalakas ang panawagan ng sektor ng mga magsasaka upang makamit ang kanilang mga ipinaglalaban.

“Napakahalaga po ng suporta ng simbahan siyempre po tinitukoy natin ang Roman Catholic at iba pang demonisasyon, Philippine Independent Church, Methodist Church, National Council of Churches at Episcopal Church of the Philippines, alam po namin na amg inyong mga constituents ay mga magsasaka, manggagawa at maralita at partikular po maraming maraming salamat po sa ating pinakamamahal na Cardinal Jose Advincula na siya pong pinaka head sa ating bansa, Kay Fr Anton Pascual hindi po siya nag atubili nang makausap natin ang pag sang-ayon na dito ganapin ang gabi ng pagkakaisa na pag-iistay ng mga magsasaka,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Ramos.

Tiniyak ni Ramos na unang ipinanawagan sa kilos protesta ay ang pagsawalang bisa ng Rice Tarrification Law na simula noong 2019 ng maisabatas ay nagdulot ng 30 bilyong pisong pagkalugi sa mga magsasaka ng palay.

Apela din ng mga magsasaka ang suporta upang mapaigting ang lokal na produksyon ng pagkain upang maalis ang pagiging import dependent ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 38,460 total views

 38,460 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 44,589 total views

 44,589 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 74,731 total views

 74,731 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 94,458 total views

 94,458 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 113,649 total views

 113,649 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Magnifica Humanitas, pinuri ng EOF

 4,172 total views

 4,172 total views Pinuri ni Economy of Francesco Foundation Scientific Coordinator – Luigino Bruni ang kauna-unahang encyclical ni Pope Leo XIV na pinamagatang Magnifica Humanitas, na

Read More »

Donation campaign, isinagawa ng CWS

 6,285 total views

 6,285 total views Idinadaos na ng Church People Workers Solidarity o CWS ang donation drive para sa may tatlong-libong pamilyang nasunugan sa Parola Compound Binondo Manila.

Read More »

EILER, nagbabala sa Pax Silica agenda

 6,301 total views

 6,301 total views Nagbabala ang labor group na Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER laban sa “Pax Silica” agenda sa Pilipinas. Pinangangambahan ng

Read More »
Scroll to Top