Dignidad ng mga manggagawa, hindi naisa alang-alang sa 35-pisong wage hike

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,403 total reads

Kinilala ni Father Jerome Secillano ang 35-pisong wage hike sa suweldo ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Inihayag ng Executive Secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Public Afairs na bagamat maliit ang wage hike ay lubhang makatulong ito para sa mga manggagawa.

“Maliit man, ito ay karagdagang kita pa rin at nawa’y makatulong din sa pangangailangan ng ating mga kababayan,” pahayag ni Fr.Secillano sa Radio Veritas.

Umaasa ang Pari na sa mga susunod na talakayan sa wage hike ay nararapat ang maayos na pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa sektor ng mga manggagawa.

Ayon kay Father Secillano, sa pamamagitan ng maayos na konsultasyon ay malalaman ng pamahalaan na ang itataas na sahod sa minimum wage earners ay sapat upang makasabay sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Ipinarating ng Pari sa pamahalaan na sana’y naisa alang-alang sa umento sa sahod ang hirap at dignidad ng mga manggagawa.

“Anumang proseso ang ginawa upang mapagdesisyunan ang php 35 na umento sa sahod, nawa’y naisa-alang-alang sana ang hirap at dignidad ng mga manggagawa. Mainam sana kung mas mataas pang dagdag na sahod ang ipinagkaloob sa mga ordinaryong manggagawa,” paglilinaw ni Fr.Secillano

Sa kasalukuyan, nasa 645-pesos na ang minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila matapos ang 35-pisong dagdag sa suweldo na inaprubahan ng Regional Tripartite Wage Commission and Productivity Board na ipapatupad sa July 15, 2024.

Sa pag-aaral ng IBON foundation, 1,180-pesos ang family daily living wage sa manggagawang may limang miyembro ng pamilya upang matugunan ang pangangailangan at makapamuhay ng mayroong dignidad.

Naunang kinundena ng mga labor group at mga Senador ang kakarampot na pagtaas sa sahod ng mga minimum worker.

Binigyan diin ng Kilusang Mayo Uno at Ministry of Labor ng simbahan ang baryang wage increase.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 51,790 total reads

 51,790 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 101,220 total reads

 101,220 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 149,091 total reads

 149,091 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 253,039 total reads

 253,039 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 336,581 total reads

 336,581 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top