Aktor na si Leonardo Di Caprio, nananawagang pangalagaan ang Masungi Geopark

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,369 total reads

Nakikiisa si Hollywood actor at environmental activist Leonardo DiCaprio sa panawagang pangalagaan ang Masungi Geopark Project laban sa mga mapaminsalang pag-unlad na nakakaapekto sa itinuturing na protected area.

Sa instagram post, hinikayat ni DiCaprio si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na kumilos upang mapaigting at maipagpatuloy ang hangaring mapangalagaan Masungi Geopark laban sa mga pinsalang dulot ng tao.

“Join local rangers in calling on President [Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.] to intervene and continue to protect Masungi. Conservation successes like Masungi serve as a reminder that the Philippines can become a leader in sustainability, eco-tourism, biodiversity protection, and climate action,” ayon kay DiCaprio.

Nababahala ang aktor dahil ang tagumpay na nasimulan upang mapangalagaan ang Masungi Geopark ay nanganganib dahil sa banta ng Department of Environment and Natural Resources na bawiin ang kasunduan na nagbibigay proteksyon laban sa mga nangangamkam ng lupa.

Matatagpuan sa lalawigan ng Rizal, ang Masungi Geopark Project na may lawak na 2,700 ektarya ay isang award-winning conservation initiative na naglalayong ibalik ang isang mahalagang bahagi ng Upper Marikina Watershed.

Gayunman, nanganganib ito dahil sa pahayag ni Environment Secretary Toni Yulo-Loyzaga na binabalak kanselahin ang 2017 Memorandum of Agreement sa pagitan ng Masungi Georeserve Foundation at ng DENR.

“This cancellation would set back the success of an internationally acclaimed conservation effort and leave the area vulnerable again to mining, logging, and illegal developments,” saad ni DiCaprio.

Pinarangalan ang Masungi Georeserve sa 2024 World Economic Forum sa Davos, Switzerland, at iginawad din ang 2022 United Nations Sustainable Development Goals Action Campaign Inspire Awards dahil sa natatanging pangangalaga at pagpapanumbalik ng kalikasan.

Una nang nagpahayag ng suporta ang Caritas Philippines sa Masungi Georeserve Foundation, at nanawagan sa pamahalaan na magkaroon ng maayos na pakikipag-diyalogo para baguhin ang desisyon sa pagbawi sa kasunduan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 48,448 total reads

 48,448 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 133,814 total reads

 133,814 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 180,549 total reads

 180,549 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 228,421 total reads

 228,421 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 330,073 total reads

 330,073 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,571 total reads

 169,571 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top