Masungi Georeserve, hindi itinayo upang pagkakakitaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,533 total reads

Nilinaw ng Masungi Georeserve Foundation, Inc. (MGFI) na hindi itinayo ang Masungi Georeserve upang pagkakitaan at magsilbing lugar-libangan.

Ito ang tugon ng institusyon sa pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagsasaad na ang mga gawain sa loob ng Masungi Georeserve ay maituturing na labag sa batas.

Ayon sa MGFI, ang Masungi Georeserve ay inisyatibo upang mapangalagaan at mailigtas ang mga likas na yaman laban sa mga mapaminsalang pag-unlad.

“The Masungi Georeserve is a non-profit conservation initiative run by the MGFI which is a non-stock, non-profit Foundation duly registered at the Securities and Exchange Commission (SEC). Masungi is therefore not a resort, which is built for the primary purpose of entertainment and profit,” ayon sa pahayag ng MGFI.

Iginiit ng institusyon na mahigpit silang sumusunod sa anumang mahahalaga at kinakailangang permit mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan bilang pagtalima sa mga batas ng bansa, gayundin ay walang anumang obligasyon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Taliwas din sa pahayag ng DENR, inihayag ng MGFI na ang ginawang trails o daanan sa loob ng Masungi ay may Certificate of Non-Coverage (CNC) na katumbas ng Environmental Compliance Certificate (ECC) para sa mga proyekto na walang gaanong malaking epekto sa kapaligiran ayon sa itinakda ng Philippines Environment Impact System.

“Masungi is also known for implementing some of the strictest and most sustainable visitor protocols and carrying capacities in the country,” ayon sa institusyon.

Naglabas ng pahayag ang DENR kasunod ng panawagan ni Hollywood actor at environmental activist Leonardo DiCaprio sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na pagtuunan ang pangangalaga sa Masungi Geopark Project.

Una nang inanunsyo ng DENR ang planong pagbawi sa 2017 Memorandum of Agreement na nilagdaan sa pamumuno ng yumao at dating Environment Secretary Gina Lopez na nagbunsod upang masimulan at maisakatuparan ang Masungi Geopark Project.

Binatikos naman ito ng MGFI at iba pang grupo kabilang na ang Caritas Philippines dahil ang hakbang ng kagawaran ay marahil upang higit na bigyang-daan ang operasyon ng large-scale mining, land grabbers, quarrying at pool resorts sa loob ng protected area.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 51,781 total reads

 51,780 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 101,211 total reads

 101,210 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 149,081 total reads

 149,081 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 253,029 total reads

 253,029 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 336,571 total reads

 336,571 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,570 total reads

 166,570 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top