Peace talks sa komunistang grupo, panawagan ng CLPI kay Pangulong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,517 total views

Nanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Council of Leaders for Peace Initiative (CLPI) na isang grupo ng mga indibidwal na bigyang prayoridad ang pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa bansa.

Ito ang panawagan ng grupo na kinabibilangan din ng ilang Obispo ng Simbahang Katolika sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Marcos Jr. sa ika-22 ng Hulyo, 2024.

Hinimok ng C-L-P-I ang pangulong Marcos na ilatag ang malinaw na posisyon at paninindigan sa pagsusulong ng kapayapaan sa pamamagitan ng pakikipagdayalogo at negosasyon sa komunistang grupo upang matigil na ang labanan.

“On July 22, 2024. President Ferdinand R. Marcos, Jr., will deliver his third State of the Nation Address (SONA). As leaders who believe that a just peace is imperative for a better state of the nation, we call on the President in his SONA to make a clear and unqualified commitment to pursuing a peaceful, negotiated solution to the long-running armed conflict that has claimed the lives of thousands of Filipinos from both sides.” pahayag ng CLPI.

Pinuna din ng Council of Leaders for Peace Initiative (CLPI) ang paglalaan ng pondo ng pamahalaan sa all-out war policy laban sa komunistang grupo sa halip na pagtuunan ang pagkakaloob ng mga pangunahing serbisyong panlipunan tulad ng pangkalusugan, edukasyon, abot-kayang pabahay at mga programa sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

Nanawagan ang CPLI sa pangulong Marcos na ituloy ang peace talks sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na siyang umbrella organization ng CPP-NPA.

Umaapela din CLPI sa tuluyang pagpapalaya sa mga NDFP peace consultant na kabilang sa mga unang nakadayalogo ng panig ng pamahalaan.

Ang Council of Leaders for Peace Initiatives (CLPI) ay isang grupo ng mga indibidwal mula sa magkakaibang larangan at kadalubhasaan na kinabibilangan ni Cebu Archbishop Jose Palma at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na siya ring National Director ng Caritas Philippines.

Unang binigyang diin ni Pope Francis na hindi kailanman makakamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng armadong sagupaan kundi sa isang payapang dayalogo at pagkakasundo

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 60,533 total views

 60,533 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 56,402 total views

 56,402 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 92,604 total views

 92,604 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 100,846 total views

 100,846 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 125,132 total views

 125,132 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top