Obispo, nanawagan sa mga mag-asawa na patatagin ang matrimony ng kasal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,625 total views

Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga mag-asawa at pamilya na huwag sumuko sa isa’t isa at sa kanilang pangakong sinumpaan sa harapan ng Diyos at kanilang mga mahal sa buhay.

Ito ang bahagi ng panawagan ni Cebu Auxiliary Bishop Midyphil Billones – CBCP Regional Representative for Eastern-Central Visayas sa pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng kasal at pamilya.

Ayon sa Obispo na siya ring chairman ng CBCP – Episcopal Office on Bioethics, sa tulong ng biyaya at paggabay ng Panginoon ay malalagpasan ng mag-asawa ang pinagdadaanang pagsubok na bahagi ng buhay pamilya upang protektahan ang kasagraduhan ng sakramento ng matrimonyo.

Pagbabahagi ni Bishop Billones, ang pamilya ang nagsisilbing pundasyon ng lipunan kayat bahagi ng pagpapaunlad ng sa bansa ang pagpapatatag at pagbibigay proteksyon sa kasagraduhan ng kasal at pamilya.

“May I exhort the couples and the families to not give up on each other, do not give up on love with even with the hurts we can still navigate them with the grace of God that is why we make a stand to protect the sanctity of marriage. The statement of the Bishops is ‘a nation founded in family, and marriage is the foundation of the family’. When we want to protect the nation then we must protect the family. If we want to protect also the family, we must protect marriage.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Billones.

Sinabi ng Obispo na personal niyang naranasan at nasaksihan ang pagharap sa pagsubok sa relasyon ng kanyang mga magulang na hinarap ng buong tapang para manindigan sa kanilang pag-ibig at relasyon.

“With all my exhortation, I thanked my parents because they’re not perfect, but they have driven to go back and to continue working out their difficulty… My prayer goes to all families and couples especially those who are hurting, remember this, there will always be an option it takes so much courage to leave but so much more courage in love to go back and fight for the marriage until the end.” Dagdag pa ni Bishop Billones.

Unang iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi mababago ang posisyon ng Simbahan laban sa isinusulong na pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas.

Matatandaang ika-22 ng Mayo, 2024 ng ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 9349 o Absolute Divorce Bill na nagsusulong sa pagsasabatas ng diborsyo sa bansa kung saan 131 mambabatas ng bumuto pabor sa nasabing panukalang batas habang 109 naman ang tumutol at 20 ang nag-abstain.

Ang absolute divorce bill ay isinumite na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Senado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 59,271 total views

 59,271 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 55,140 total views

 55,140 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 91,342 total views

 91,342 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 99,625 total views

 99,625 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 124,030 total views

 124,030 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top