Labanan ang human trafficking, hamon ng Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,373 total reads

Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mamamayan na magkaisang labanan ang human trafficking sa lipunan.

Sa pagdiriwang ng 10th World Day Against Trafficking in Persons, binigyang diin ng obispo na kasalukuyang Vice Chairperson ng CBCP Migrant’s Ministry na walang puwang sa lipunan ang anumang uri ng pananamantala sa kapwa lalo na sa mga kabataan.

Iginiit ni Bishop Santos na malaki ang tungkulin ng bawat isa upang mawakasan ang mga kaso ng human trafficking sa bansa lalo na sa mga menor de edad.

Kabilang sa tinukoy ng obispo ang kahalagahan ng pananalangin sapagkat sa tulong ng habag at awa ng Panginoon ay nabibigyang proteksyon ang buhay ng tao.

“Remember that the power and importance of prayer has real consequences in the world. Prayer change things. Even if a situation seems helpless, our spiritual mercy matters. Therefore, we must unite in prayer to end child trafficking and protect vulnerable lives,” pahayag ni Bishop Santos.

Ayon sa pag-aaral ng International Labor Organization tinatayang nasa 40-milyong katao sa buong mundo ang itinuturing na modern-day slaves o mga biktima ng pang-aabuso na hindi makaalis o makatanggi dahil sa puwersa, pandaraya, karahasan, pang-aabuso ng kapangyarihan, o pamimilit na gawin ang isang bagay laban sa kanilang kalooban na kadalasan ay pinipilit na magtrabaho para sa kaunti o walang kabayaran.

Sa pagsaliksik naman ni Sara Mcgeough hinggil sa usapin ng human trafficking sa Pilipinas naitala ang halos isang milyong biktima ng modern-day slavery sa bansa kung saan nasa 60 hanggang 100-libo rito ay mga kabataan at 5, 000 ang domestic workers sa edad na 15 taong gulang pababa.

Tinuran ni Bishop Santos na ang mga kaso ng huamn trafficking ay nagsimula pa noong Biblical times sa Genesis nang ipagbili si Jose ng kanyang mga kapatid habang sa Exodus naman ang pang-alipin ng Ehipto sa mga Israelita.

Dahil dito, mariin ang panawagan ng opisyal na dapat tugunan ang mga kaso ng human trafficking upang tuluyang lumaya ang mga biktima na ayon sa US Department State Tier 1 ang Pilipinas sa paggawa ng mga hakbang laban sa pang-aabuso.

“We should raise awareness and make child protection a priority. We should not only advocate policy reforms but more so improve law enforcement. And finally, ensure that more resources are in place like Child Sponsorship Program where education, nutritious food, healthcare, and life-skills training are provided…Let us make sure to leave no child behind in this fight. It’s time to take action and make a positive impact. By working together, we can create a safer world for the children and pave the way for a brighter future,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Pinangunahan ni Bishop Santos ang pagdiriwang na ginanap sa Ynares Events Center sa Antipolo City Rizal nitong July 30 kung saan tema ang ‘Leave No Child Behind in the Fight Against Human Trafficking.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 23,965 total reads

 23,965 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 244,582 total reads

 244,582 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 279,255 total reads

 279,255 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 295,155 total reads

 295,155 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 329,977 total reads

 329,977 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top