Punahin ang mga paring nagkakamali, hamon ng Obispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,743 total views

Hiniling ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mananampalataya na patuloy ipanalangin ang mga pari na matapat ginagampanan ang tungkuling pagpapastol sa kawang ipinagkatiwala sa kanilang pangangalaga.

Ito ang mensahe ng obispo na kasalukuyang chairperson ng CBCP Office on Stewardship sa pagdiriwang ng Parish Priests Sunday sa August 4 kasabay ng kapistahan ni St. John Mary Vianney na kanilang patron.

Ayon kay Bishop Pabillo, maliban sa mga panalangin mahalaga ring punahin ang mga pagkukulang ng pari upang maiwasto ang anumang pagkakamali dulot ng kahinaan bilang tao.

“Ipagdasal natin ang mga pari na sila ay maging tapat sa magandang tungkuling ito. Pero huwag natin silang ikonsente sa kanilang kahinaan o pagkakamali,” mensahe ni Bishop Pabillo.

Tinuran ng obispo na mahalaga ang gampanin ng mga pari sa pamayanan na nagsusumikap maisabuhay ang mga turo ni Hesus at nag-alay ng kanilang buhay upang maisakatuparan ang pangako ni Hesus sa sangkatauhan na buhay na walang hanggan.

Binigyang diin ng opisyal na tuwangan ang mga pari na manatiling kawangis ni Kristo na nagmimisyon sa pamayanang nagpapalaganap ng habag, awa at pagkakapatiran.

“I-challenge natin sila na maging tunay silang larawan ni Kristo. Sa ganitong paraan lamang magiging mabisa sila sa kanilang gawain sa ubasan ng Panginoon,” giit ni Bishop Pabillo.

Samantala, kamakailan ay nagtipon ang may 250 mga kura paroko sa Pilipinas para sa National Meeting of Parish Priests for the ongoing Synod on Synodality kung saan hinimok ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang mga kura paroko na paigtingin ang pakikilahok ng mga layko at pagtulungan ang misyon simbahan sa mga parokya.

Iginiit ni Bishop David na dapat iwasan ng mga kura paroko ang monopolyo sa pangangasiwa ng parokya kundi himukin ang mga parishioners na maging aktibong katuwang sa pagmimisyon.

Ang nasabing pulong ng mga kura paroko ay kasunod ng international meeting of parish priests sa Sacrofano Italy noong Abril na dinaluhan ng 10 kura paroko na kinatawan ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 8,927 total views

 8,927 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 182,861 total views

 182,861 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 160,494 total views

 160,494 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 224,336 total views

 224,336 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 243,491 total views

 243,491 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top