Patuloy na karahasan sa ibat-ibang panig ng daigdig, ikinalulungkot ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,120 total reads

Umaasa ang Kanyang Kabanalan Francisco na tuluyang mawakasan ang mga karahasang nangyayari sa mga bansa sa Middle East at iba pang bahagi ng daigdig.

Ito ang mensahe ng santo papa sa kanyang Angelus sa Vatican sa unang Linggo ng Agosto.

Labis na ikinalungkot ng pinunong pastol ng simbahang katolika ang sinapit ng mga inosenteng indibidwal lalo na ang kabataan na naiipit sa kaguluhan kasabay ang panalangin ng kapayapaan.

“I follow with the greatest concern what is happening in the Middle East, and I hope that the conflict, already terribly bloody and violent, will not spread further. I pray for all the victims, especially the innocent children, and express my closeness to the Druze community in the Holy Land and to the populations in Palestine, Israel and Lebanon. Let’s not forget Myanmar,” bahagi ng pahayag ni Pope Francis.

Batay sa pinakahuling update sa giyera sa pagitan ng Israel at Hamas, muling naglunsad ng pang-atake ang Israel sa mga eskwelahang nagsisilbing kanlungan ng Palestinian sa Gaza City na kumitil ng 17 indibidwal habang daan-daan ang mga nasugatan.

Ini-ulat naman ng Iran’s Islamic Revolutionary Guard Corps na napaslang si Ismail Haniyeh ang nagsilbing pinuno ng Hamas militant group sa labas ng kanyang tahanan.

Sa datos ng Statista Research mahigit isanlibong Israeli na ang nasawi sa digmaan habang mahigit 35-libo namang Palestinian.

Patuloy ang panawagan ni Pope Francis na isulong ang pakikipagdayalogo tungo sa pagkakasundo para sa kapakinabangan ng mga mamamayan sa buong mundo.

“We must have the courage to resume dialogue so that the fire in Gaza may cease immediately and, on all fronts, hostages should be freed, humanitarian aid should be given to the people,” ani Pope Francis.

Una nang nakiisa ang simbahang katolika sa Pilipinas sa mga mamamayang biktima ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig at dalangin ang kapanatagan gayundin ang kaligtasan mula sa kapahamakang dulot ng karahasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 22,925 total reads

 22,925 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 243,542 total reads

 243,542 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 278,215 total reads

 278,215 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 294,115 total reads

 294,115 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 328,999 total reads

 328,999 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top