23 minahan, ipapasara ng DENR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,353 total reads

Dalawampu’t tatlong minahan ang ipasasara ng Department of Environment and Natural Resources matapos ang masusing pagsusuri sa 41 metallic mines sa Pilipinas.

Iginiit ni Environment Secretary Gina Lopez na ang Social Justice ang magiging puso at kaluluwa ng DENR.

Tiniyak din ng kalihim na hindi magbabago ang kanyang prinsipyo at paninindigan sa pangangalaga sa kalikasan.

“My issue here today and the rhyme and reason why we are doing everything in DENR, the issue and the heart within the Philippine constitution which is Social Justice.” pahayag ng Kalihim.

Kaugnay dito ang mga kumpanyang ipasasara ng DENR ay ang sumusunod:

BENGUET
Benguet Corporation

BULACAN
Ore Asia Mining and Development Corporation

ZAMBALES
BenguetCorp Nickel Mines, Inc.
Eramen Minerals Inc.
Zambales Diversified Metals Corporation
LNL Archipelago Minerals, Inc.

HOMONHON
Mt. Sinai Mining Exploration and Development Corp.
Emir Minerals Corp.
TechIron Mineral Resources, Inc.

DINAGAT ISLAND
AAMPHIL Natural Resources Exploration
Kromico, Inc.
SinoSteel Philippines H.Y. Mining Corp.
Oriental Synergy Mining Corporation
Wellex Mining Corporation
Libjo Mining Corp.
Oriental Vision Mining Phils. Corp.

SURIGAO DEL NORTE
ADNAMA Mining Resources Corp.
Claver Mineral Development Corp.
Platinum Development Corp.
CTP Construction and Mining Corp,
Carrascal Nickel Corp.
Marcventures Mining and Development Corp.
Hinatuan Miing Corporation

Patuloy naman ang suspensyon ng limang kumpanyang Berong Nickel Corp., Oceana Gold Phils. Inc., Lepanto Consolidated Mining Corp., Citinickel Mines and Development Corp., at Strong Built Mining Development Corporation, habang tinatapos pa nito ang rehabilitation sa mga apektadong komunidad.

Samantala, dumalo rin sa press conference si Lipa Abp. Ramon Arguelles, bilang pagpapakita ng suporta sa naging resulta ng mining audit at sa mga proyekto ni Lopez sa pag papaunlad ng eco tourism sa bansa habang pinangangalagaan ang kalikasan.

Matatandaang nagpaabot ng liham si Abp. Arguelles kay Pangulong Rodrigo Duterte upang umapela na panatilihin bilang kalihim ng DENR si Lopez, upang magpatuloy ang magandang nasimulan nito sa pangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 73,239 total reads

 73,239 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 159,738 total reads

 159,738 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 202,773 total reads

 202,773 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 252,532 total reads

 252,532 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 410,192 total reads

 410,192 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 23,548 total reads

 23,548 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 53,192 total reads

 53,192 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 46,036 total reads

 46,036 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top