Be the best of yourself and be a blessing to all.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,102 total reads

Ito ang paalala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga mag-aaral ng Our Lady of Peace School sa ginanap na Holy Spirit Mass hudyat ng pagbubukas sa academic year 2024 – 2025.

Ayon sa Obispo, dapat isa-isip ng mga estudyante na magbigay karangalan sa pamilya, sa sarili, sa kapwa at maging sa institusyon.

“My dearest students, as we begin our school year 2024-2025, let us bring honors to our parents, make our teachers happy and we will be hardworking and helpful to our classmates,” bahagi ng mensahe ni Bishop Santos.

Pinaalalahanan ni Bishop Santos na kasalukuyang School Director ng institusyon, na maging masigasig sa kanilang pag-aaral bilang pagpapahalaga sa pagsusumikap ng mga magulang at ng mga guro upang mahubog ang kanilang pagkatao at karunungan.

“There are no excuses not to go to school, not to study. It is because your parents are doing everything to send you to school, working so hard to sustain your studies. It is their achievement to see you at the stage receiving your diplomas…Your teachers, like you, are also studying, doing research and preparing their lesson-plans so that they can impart necessary knowledge as to inform and transform you to be better persons,” ani ng obispo.

Iginiit ng opisyal na dapat igalang ng mga estudyante ang mga magulang at mga guro sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, aktibong makibahagi sa mga gawain ng silid-aralan kabilang na ang mga takdang aralin na ibinibigay para mas mahubog ang kasanayan ng bawat bata.

Hinimok ni Bishop Santos ang mga kabataan na isabuhay ang pakikipagkapwa sa mga mag-aaral, guro at iba pang nakakasalamuha sa araw-araw.

“Inside the classrooms there will be common projects which will demand collaborative efforts. So, commit always yourselves and cooperate. Be always helpful. And avoid words and actions will offend someone. So, call them by their names. Don’t bully. Don’t brag around,” dagdag ni Bishop Santos.

Ginanap ang Holy Spirit Mass sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral nitong August 7, 2024 kung saan katuwang ng obispo si OLPS Chaplain Fr. Keith Buenaventura.

Dumalo rin sa pagtitipon ang mga kawani ng institusyon sa pangunguna ni OLPS School Head and Principal Sr. Anabel de la Cruz, SPC at komunidad ng OLPS na may humigit kumulang sa 2, 800 estudyante.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 41,654 total reads

 41,654 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 91,820 total reads

 91,820 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 139,691 total reads

 139,691 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 243,640 total reads

 243,640 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 327,611 total reads

 327,611 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top