Gamitin ang AI sa pagpapalaganap ng katotohanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,732 total reads

Hinikayat ng Catholic Bishops Conference of the Philippine Episcopal Commission on Social Communication (CBCP-ECSC) ang mga lumahok sa kakatapos na National Catholic Social Communications Convention (NCSCC) na isabuhay ang mga katuruan na ibinahagi para harapin ang hamon ng Artificial Intelligence.

Ayon kay CBCP-ECSC chairman Boac Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit, gamitin ang makabagong teknolohiya higit na ang Artificial Intellegence sa mabuting paraan katulad ng pagpapalaganap ng pananampalataya sa Panginoon.

Bukod sa pasasalamat, hinimok ng Obispo ang mga participant sa NCSCC na paigtingin ang pagsusulong ng katotohanan gamit ang AI.

“The last day means the first day also because after all the dicsussions, reflections, sharings, the next one is the challenge of living our mission, and that is I think, the more difficult part, so my message is: you already know the mission, now we need to become missionaries,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Maralit.

Umaasa naman si Father Ilde Dimaano – Executive Secretary ng CBCP-ECSC na maisabuhay ng 250-participants ang mga natutunan sa convention nsa kani-kanilang diyosesis at religious organization.

“Halos lahat po ay nagpaunlak sa mga paanyaya po ng ECSC, ng Episcopal Commission on Social Communications, ang gagaling po ninyo. Maraming-maraming salamat po, sobrang daming natutunan ng ating mga participants, mga delegates, pero syempre ang hamon po, katulad ng sinasabi po ng ating Episcopal Chair ng Commission, Bishop Junie Maralit, ngayon, kung paano gagamitin ang mga natutunang ito, ngayon nagsisimula,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Dimaano.

Hinimok ni Father Ilde ang mga NCSCC particpants na huwag magpaalipin sa AI bagkus linangin ang kaalaman upang epektibo itong magamit sa evangelization.

Inaasahan ni Bishop Maralit na patuloy na palalimin ng mga kabataang catholic social communicators ang pananampalataya at patnubay ni Hesus sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagpapalaganap ng mabuting balita.

Sa tala, 250- ang lumahok sa NCSCC mula sa 58-Diyosesis at anim na religious organizations sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 14,661 total reads

 14,661 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 235,279 total reads

 235,279 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 269,952 total reads

 269,952 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 285,852 total reads

 285,852 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 321,324 total reads

 321,324 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top