Misa mayor ng MCAP, pangungunahan ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,671 total views

Tiniyak ng pamunuan ng Mary Comforter of the Afflicted Parish (MCAP) ang pagpapalawak ng misyon ng simbahan lalo na sa nasasakupang pamayanan ng Maricaban sa Pasay City.

Ayon kay MCAP Parish Priest Fr. Jeffrey Jamias sa kanyang pamamahala sa parokya ay bibigyang prayoridad ang pagpapagawa ng simbahan para sa mas ligtas at maginhawang pagdariwang ng mga gawaing espiritwal lalo na ang Banal na Misa.

Sinabi ng pari na bahagi ng gawaing pagpapastol ang pagtiyak sa maayos na bahay dalanginan gayundin ang pagsasaayos ng mga programang nakabatay sa hangarin ng Archdiocese of Manila.

“Pinaka-priority po nating pinaghahandaan ngayon ang pagpapagawa ng gusali ng simbahan at nakatitiyak kami na kapag naisaayos na ang ating simbahan mas lalong mai-engganyo ang mga taong muling makabalik sa simbahan gayundin ang mga pangunahing mga hangarin ng parokya na nakalinya po sa hangarin ng RCAM ang Traslacion Roadmap yan po ay sinasabuhay natin at tinitiyak po na naka-align tayo sa mga gawain ng archdiocese,” pahayag ni Fr. Jamias sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ni Fr. Jamias na isang buwang pinaghahandaan ng parokya ang ika – 32 kapistahan lalo na sa espiritwal na aspeto tulad ng pagkakaroon ng kumpisalang bayan, pagtatanod sa Banal na Santisimo, gayundin ang Dalaw Hilom sa mga may karamdaman sa walong barangay na sakop ng parokya at pagdiriwang ng street masses bago ang misa nobenaryo.

Nitong August 19 pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Cardinal Jose Advincula ang ikaapat na misa nobenaryo ng parokya kung saan mass sponsors ang Brgy 181 Councils and Staff at mass offeror naman ang Ministry of Greeters and Collectors at Parish Staff Personnel.

Inaanyayahan ni Fr. Jamias ang pamayanan na suportahan ang mga gawain ng parokya gayundin ang paanyaya sa nalalapit na kapistahan sa August 25 kung saan pangungunahan ni Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle ang Misa Mayor sa alas 9:30 ng umaga.

“Mga parishioners kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong suporta at pananalangin at patuloy yo kaming ipagdasal lalo’t higit itong mga hangarin ng parokya sa pagpanibago ng aming simbahan,” ani Fr. Jamias.

Ilan pa sa mga naging gawain ng MCAP sa pagdiriwang ng kapistahan ang Kumpilang Pamparokya noong August 17 na pinangunahan ni Pasay City Episcopal Vicar Fr. Edgardo Coroza habang sa August 24 naman sa alas otso ng umaga ang Pahilayaw o Sayaw Parangal kay Nana Chelo at coronation night ng Binibini at Ginoong MCAP 2024 at Pistang Palaro naman sa August 26.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 30,313 total views

 30,313 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 36,442 total views

 36,442 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 66,584 total views

 66,584 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 86,654 total views

 86,654 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 106,538 total views

 106,538 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top