Paglilipat sa BOT ng PhilHealth funds,tinutulan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,567 total reads

Suportado ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang isinampang petisyon sa Supreme Court upang protektahan ang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Hinihiling sa petisyon ang temporary restraining order at writ of preliminary injunction para pigilan ang paglilipat sa Bureau of Treasury ng humigit-kumulang P90-bilyong labis na pondo ng PhilHealth.

Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na bagamat makatutulong ito sa paglago ng ekonomiya ng bansa, ang paggamit ng labis na pondo ng state health insurer para sa unprogrammed appropriations ay maaaring magdulot ng maling paggamit sa pondo at pangungurakot.

“While we appreciate the national government’s concern through the Department of Finance to fund initiatives to support economic growth, we strongly object to the use of PhilHealth funds for unprogrammed appropriations and fear that this move may lend to the misuse of the funds, not discounting exposing such to corruption,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Ang petisyong isinampa nina Senator Aquilino Pimentel III, dating finance undersecretary Cielo Magno, constitutional law expert Dante Gatmaytan, at ng Philippine Medical Association, ay humiling din sa Korte Suprema na utusan ang Department of Finance na ibalik sa PhilHealth ang anumang pondo na maaaring nailipat kasunod ng anunsyo ng kagawaran.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na ang mga pondong ito’y mula sa kontribusyon ng mamamayang Pilipino at dapat lamang gamitin para sa pangangalaga sa kalusugan ng mga miyembro nito, lalo na ang mga matatanda at nasa laylayan ng lipunan.

Binanggit din ng obispo ang Universal Health Care Law na ipinatupad noong 2019 na naglalayong matulungang mapagaan ang pasanin ng taumbayan, lalo na ang mga mahihirap, sa pagkuha at pagtanggap ng serbisyong pangkalusugan.

“We appeal to the honorable justices of our Supreme Court to uphold the principles of the 2019 Universal Healthcare Law and protect every Filipino’s right to health by deciding in favor of the petition,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Nanindigan naman ang Caritas Philippines, kasama ang 85 diocesan social action centers sa buong bansa, na patuloy na itataguyod ang mga polisiyang uunahin ang kapakanan ng mga mahihirap, maging ang pagtiyak na ang pangangalaga sa kalusugan ay makakamit ng lahat ng Pilipino.

“As a humanitarian organization and as stewards of the Church’s social mission, we believe it is our civic and moral duty to defend the integrity of these funds,” dagdag ng obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 45,521 total reads

 45,521 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 95,389 total reads

 95,389 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 143,260 total reads

 143,260 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 247,209 total reads

 247,209 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 331,003 total reads

 331,003 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,381 total reads

 166,381 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top