Maling datos ng administrasyong Marcos, binatikos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,827 total views

Binatikos ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) ang administrasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagiging anti-poor.

Binigyang diin ni Kejs Andres – Pangulo ng SCMP na obligasyon ng pamahalaan na paglaanan ng sapat na pondo ang mga programang nakatuon sa pagpapalago ng ekonomiya upang matiyak na mayroong sapat na pagkain ang taumbayan.

“Samantala, ang isang ekonomiyang para sa susunod na henerasyon ay ekonomiyang nagsasarili sa sariling paa at nakabatay sa pambansang industriya. Kailangang tiyakin ang nakabubuhay na sahod at trabaho para hindi na kailangang mangibang-bansa ng milyon-milyong Pilipino nang makasama pa rin nila ang kanilang pamilya,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Andres sa Radio Veritas.

Ikinadismaya rin ng SCMP ang pahayag ng National Economic Development Authority (NEDA) na hindi ‘Food Poor’ ang isang mamamayang kung kakayanin nitong gumastos ng hanggang 64-pesos kada araw para sa pagkain.

Ayon kay Andres malinaw na pagpapakita ito ng nabigong pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ibaba sa hanggang bente pesos ang presyo kada kilo ng bigas upang makapagbigay ng kalidad at murang bigas para sa mga Pilipinong nagugutom.

Ikinadismaya rin ni Andres na sa halip na magbigay ng pag-asa at tunay na mga datos para sa mga Pilipino, ipinakita ng NEDA na hindi nila alam o naiintindihan ang kalagayan ng mga mamamayan na kanilang pinagsisilbihan higit na ang kalagayan ng mga pinakamahihirap na sektor ng lipunan.

Panawagan pa ni Andres ang pagkakaroon ng mas pinatibay na programa sa sektor ng agrikultura na papalakasin ang lokal na sektor upang maiwasan na ang pagiging import-dependent higit na ng bigas na produktong dapat sana ay ang Pilipinas ang pangunahing taga-suplay sa ibang bansa.

Ang mensahe ni Andres ay matapos ihayag ng NEDA sa kanilang mga naging pag-aaral na hindi maituturing na mahirap ang isang mamamayang kung gumagastos siya ng higit sa 64-pisong halaga ng pagkain kada araw.

Sa bahagi naman ng simbahan, itinalaga ito ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa temang ‘Those who hope in the Lord will run and not be weary’ bilang paggunita sa 2024-2025 World Youth Day.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 57,994 total views

 57,994 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 53,863 total views

 53,863 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 90,065 total views

 90,065 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 98,419 total views

 98,419 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 122,924 total views

 122,924 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top