Ipagpatuloy ang pagbabahagi ng mabuting balita.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,909 total views

Ito ang hamon ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales sa mga mamamahayag sa malaking tungkuling ginagampanan sa lipunan na nagbabahagi ng mga impormasyong dapat malaman ng mamamayan.

Iginiit ng cardinal na tinitingnan at pinakikinggan ng publiko ang bawat sinasabi ng mga mamamahayag kaya’t mahalagang maingat sa mga ibinabahaging impormasyon at tiyaking laging nakabatay sa katotohanan.

“Kayong nasa media pinagmamasdan ng mga tao, magandang balita ituloy yan, magandang aral palaguin yan, at ang mabuting balita na dinala ng Panginoon sa magandang pangaral ay isang paalala na sabihin ang totoo para hindi tayo malalayo sa dinadako ng Panginoon, dito kayo matutuwa, dito kayo sasagana, dito kayo makararating sa gusto ni Hesus,” ang pahayag ni Cardinal Rosales sa Radio Veritas. Binigyang diin ng dating arsobispo ng Maynila na walang saysay ang mga balitang ibinabahagi sa iba’t ibang media platform kung ito ay nababahiran ng kasinungalingan sapagkat magdudulot lamang ito ng kaguluhan at pagkakawatak-watak ng mamamayan.

Nitong August 20 ay binisita ng mga kawani ng media arm ng Archdiocese of Manila (AOC, TV Maria, Radio Veritas 846) si Cardinal Rosales sa Lipa City Batangas. Kinilala ng cardinal ang gawain ng media ministry ng arkidiyosesis na malaking tulong para sa ebanghelisasyon kaya’t hamon nitong ipagpatuloy ang mga gawaing magpapalago sa pananampalataya ng mamamayan. “Salamat sa Diyos at mayroong katulad pa ninyong naglilingkod, patuloy ninyong gawin yan, kay Hesus natin matutuklasan ang lahat ng inaasahan dahil si Jesus is the truth,” ani Cardinal Rosales.

Matatandaang sa ginanap na National Catholic Social Communications convention nitong Agosto kung saan tinalakay ang mga makabubuting dulot ng makabagong teknolohiya ay patuloy na hinamon ang media minister’s ng simbahan na maingat sa paggamit nito lalo na sa artificial intelligence dahil sa kaakibat na negatibong epekto kung hindi ginagamit sa wasto at mabuting pamamaraan.

Tiniyak naman ng RCAM media ministry ang pagpapaigting sa mga programang makatutugon sa nagbabagong panahon sa gitna ng pagsulong teknolohiya na magagamit sa mga programang pang ebanghelisasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 30,711 total views

 30,711 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 58,716 total views

 58,716 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 76,516 total views

 76,516 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 75,323 total views

 75,323 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 185,499 total views

 185,499 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 9,929 total views

 9,929 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top