Tularan ang gawain ng mga misyunerong santo, paalala ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,955 total reads

Patuloy na hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na maging instrumento upang maakay ang kapwa tungo kay Hesus.

Sa pagdiriwang ng kapistahan ni Apostol San Bartolome sinabi ng cardinal na dapat tularan ng mga kristiyano ang gawain ng mga misyonero na himukin at ipakilala sa mamamayan si Hesus tulad ng paghahanap noon ni Natanael o Apostol Bartolome.

Sa pagninilay ng arsobispo sa misang pinangunahan sa San Bartolome de Novaliches Parish inaanyayahan nito ang mananampalatayang hanapin si Hesus at manahan sa kanyang pag-ibig.

“Nawa’y magsikap tayo araw-araw na naising matagpuan si Hesus, upang maranasan ang kanyang pagmamahal at biyaya at upang sundin at mahalin siya, at kapag nakita na natin si Hesus, hikayatin natin ang marami pang iba na sumunod din sa kanya,” ani Cardinal Advincula.

Batid ni Cardinal Advincula na marami ang katulad ni San Bartolome na nagnanais makita at makilala si Hesus kaya’t nararapat na ang bawat binyagan ay kilala si Hesus upang mahimok ang kapwa na sundin ang landas na kanyang tinatahak.

Umaasa si Cardinal Advincula na magkaisa ang mananammapalataya sa mga gawaing pagmimisyon bilang pamayanang kristiyano sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga gawain ng parokya.

Katuwang ng cardinal sa pagdiriwang Banal na Eukaristiya si Fr. Albert Delvo ang kasalukuyang kura paroko ng parokya kasama si Parochial Vicar Fr. John Harvey Bagos at ilang pari ng Diocese of Novaliches lalo na ng Vicariate of San Bartolome.

Dumalo sa pagdiriwang ang nasasakupang pamayanan ng parokya gayundin ang iba pang sektor na bahagi ng San Bartolome de Novaliches.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 28,564 total reads

 28,564 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 79,606 total reads

 79,606 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 127,477 total reads

 127,477 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 231,425 total reads

 231,425 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 316,090 total reads

 316,090 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top