Mamamayan ng Bohol, pinakikilos ng Obispo laban sa dengue

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,962 total reads

Hinimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang pagtutulungan ng mamamayan upang maligtas sa banta ng tumataas na kaso ng dengue sa Bohol.

Ang panawagan ni Bishop Uy ay matapos ideklara ang dengue outbreak sa buong lalawigan bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso na umabot na sa higit 450-porsyento mula noong Enero.

“A Dengue Outbreak has been declared in Bohol. Let’s join forces to keep ourselves safe,” ayon kay Bishop Uy.

Batay sa tala ng Bohol Provincial Health Office, umabot na sa higit 5,800 ang dengue cases sa lalawigan mula Enero hanggang Agosto ngayong taon, mas mataas ng 451.4 percent kumpara sa 971 kaso sa kaparehong panahon noong 2023.

Ang dengue ay nakukuha mula sa infected na lamok o aedes aegypti na nangingitlog sa mga lugar na mayroong nakaimbak na tubig, at karaniwang dinadapuan ay mga bata at sanggol.

Ilan sa mga karaniwang sintomas nito ang pabalik-balik na lagnat, pagsakit ng ulo, rashes, at pananakit at panghihina ng katawan.

Paalala naman ng Department of Health ang pagsunod sa 5S strategy, na suyurin at sirain ang pinamumugaran ng mga lamok; sarili ay pangalagaan laban sa lamok; sumangguni sa pinakamalapit na pagamutan; suportahan ang pagpapausok kapag lamang may banta ng outbreak; at sustain hydration.

Una nang pinaalalahanan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang publiko na huwag balewalain sakaling magkaroon ng anuman sa mga sintomas ng dengue, at sa halip ay agad na magpakonsulta upang malapatan ng karampatang lunas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 24,917 total reads

 24,917 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 252,143 total reads

 252,143 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 145,609 total reads

 145,609 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 239,640 total reads

 239,640 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 282,731 total reads

 282,731 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 149,610 total reads

 149,610 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top