Lingkod ng simbahan sa Indonesia, hinimok ng Santo Papa na paigtingin ang paglingap sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,857 total views

Hinikayat ni Pope Francis ang mga lingkod ng simbahan sa Indonesia na paigtingin ang misyong paglingap sa kawan maging ng mga hindi binyagan.

Ito ang pahayag ng santo papa sa pakipagpulong sa mga pari, obispo, madre at mga relihiyoso sa rehiyon sa nagpapatuloy na Apostolic Journey sa Indonesia.

Binigyang diin ni Pope Francis ang tema ng kanyang Apostolic Visit na ‘Faith, Fraternity, Compassion’ na mga katangian sa paglalakbay bilang isang simbahan.

“I encourage you to continue your mission by being strong in faith, open to all in fraternity and close to one another in compassion. Strong, open and close, with the fortitude of faith,” ani Pope Francis.
Batid ng pinunong pastol ang pagiging mayaman sa likas na yaman ng Indonesia na tanda ng pagiging kaisa ng Diyos sa kanilang paglalakbay at pagpapadama ng diwa ng pag-ibig sa sangkatauhan.
Gayundin ang panawagan ng kapatiran sa bansa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng pananampalataya, kultura at tradisyon ng mamamayan.

Sa datos minorya lamang ang mga katoliko sa Indonesia sa tatlong poryento ng mahigit 200 milyong populasyon o nasa walong milyon lamang ang binyagang katoliko.

Bagamat magkakaiba ang pananaw ng mamamayan ay hinikayat ni Pope Francis ang mga lider ng simbahan sa Indonesia na paigtingin ang mga hakbang at programang lumilingap sa bawat tao sa bansa.

Tinuran ni Pope Francis ang Mahal na Birheng Maria bilang huwaran ng pananampalataya na buong katapatang sumunod sa kalooban ng Diyos at tumutulong sa sangkatauhan upang mailapit ang landas tungo kay Hesus.

Bukod sa mga lingkod simbahan ng Indonesia nakiisa rin sa pagtanggap kay Pope Francis sa Our Lady of the Assumption Cathedral sa Jakarta sina Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, CBCP Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza at Sorsogon Bishop Jose Allan Dialogo.

Kabilang naman sa delegasyon ni Pope Francis sa kanyang 45th Apostolic Visit sa Asia-Ocenia region si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle na kanyang katuwang sa Dicastery for Evangelization.

Sa mahigit isang dekadang panunungkulan ni Pope Francis sa mahigit isang bilyong katoliko sa mundo ito na ang pinakamahabang apostolic trip na umaabot sa 12 araw sa mga bansang Indonesia, Papua New Guinea, Timor Leste at Singapore.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 75,549 total views

 75,549 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 103,554 total views

 103,554 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 121,354 total views

 121,354 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 118,249 total views

 118,249 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 225,049 total views

 225,049 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top