Illegal quarrying at deforestation, pinuna ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,027 total reads

Kalakip ng paglikha ng Diyos sa mundo ang dakilang tungkuling pangalagaan, panatilihin, at pagyabungin ang sangnilikha.

Ito ang pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Enteng at Habagat sa bansa na kasabay rin ng pagdiriwang sa Season of Creation ngayong taon.

Ayon kay Bishop Santos, ang mga naranasang pagbaha sa ilang lugar sa Luzon at Visayas sa pagpasok ng Setyembre ay labis na nagdulot ng abala sa iba’t ibang aspeto ng buhay, lalo na sa mga pamilyang naghihinagpis dahil sa pagkawala ng mga mahal sa buhay.

Sinabi ng obispo na bagamat may kakayahan ang pamahalaang harapin ang mga ganitong pangyayari, ang mga mapaminsalang pagbaha ay nagpapakita ng mga epekto ng ilegal na quarrying at deforestation partikular na sa lalawigan ng Rizal.

“Throughout the decades, people have committed acts that brought devastating consequences for human beings and the environment. Pollution and destruction of the environment have been widespread. Deforestation reduces soil’s ability to absorb water causing it to run off instead,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Hinikayat naman ni Bishop Santos ang lahat na ipakita ang pagtalima at paninindigan sa dakilang tungkuling pangalagaan, panatilihin, at pagyabungin ang mga likas na yamang ipinagkatiwala lamang ng Poong Maylikha sa sangkatauhan.

Aniya, maaaring ito’y sa pamamagitan ng pag-aalay ng suporta sa anumang paraan habang nagsisikap ang bawat isa na maging mabubuting katiwala ng nag-iisang tahanan, at gawing mas makabuluhan para sa lahat at sa mga susunod pang henerasyon.

“By taking care of the environment, we not only honor God but also demonstrate our potential to create a brighter future for ourselves and future generations,” ayon kay Bishop Santos.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 740-libong pamilya o halos 2.8 milyong indibidwal ang apektado ng nagdaang kalamidad sa 10 rehiyon sa bansa, kung saan nasa 20 na ang naitatalang nasawi at 26 ang nawawala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 5,842 total reads

 5,842 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 30,166 total reads

 30,166 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 66,667 total reads

 66,667 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 287,289 total reads

 287,289 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 321,614 total reads

 321,614 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 97,306 total reads

 97,306 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top