Pantay na sahod at benepsisyo, panawagan ng CBCP-Office on Women sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,619 total reads

Isinusulong ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Office on Women ang karapatan ng kababaihan upang matanggap ang pantay na sahod at benepisyo.

Ito ang panawagan ni Marichi De Mesa – Executive Secretary ng CBCP Office on Women sa paggunita sa September 18 ng International Day of Equal Pay.

Ayon kay De Mesa, napapanahon at alinsunod sa mga katuruan ng simbahang katolika ang pagsusulong ng karapatan ng mga kababaihang manggagawa.

Sinabi ni De Mesa na nakasaad sa Compendium on the Social Doctrine of the Church numbers 301 at 302, nararapat matanggap ng sinumang manggagawa ang suweldong katumbas ng kanilang pinaghirapan sa pagtatrabaho.

“On the occasion of the upcoming International Equal Pay Day, the Office on Women (CBCP) hereby manifests its support for the efforts of all women all over the world towards getting equal pay for work of equal value, In many places all over the world, it is a sad reality that there still exists a gender pay gap where women in the workplace receive less pay than men for the same value of work,” ayon sa mensaheng ipinadala ni De Mesa sa Radio Veritas.

Binigyan diin ng Opisyal ng CBCP Office on Women na maituturing na banta para sa mga babae ang hindi pantay na suweldo dahil malinaw itong diskriminasyon sa mga kababaihang hindi lamang manggagawa kungdi ilaw ng tahanan.

Sa modernong panahon kung saan marami ang parehong ama at ina ang nagtataguyod ng pamilya, napakahalaga ng kitang ipinapasok ng mga ina sa kanilang mga tahanan upang masuportahan ang kanilang pamilya.

“Moreover, there are roles in a family specific to a woman, as a wife and a mother. These are tasks and duties only a woman can or most effectively fulfill in the family. She must be encouraged to fulfil these roles (such as giving birth to her children, nurturing them or loving her husband) without the threat of diminishing her right to equal pay for work of equal value. Denying a woman this right, not only discriminates against her inherent worth and dignity as a woman in the workplace, it threatens her effectiveness as a woman in the home.,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni De Mesa sa Radio Veritas.

Ayon sa mga pag-aaral ng International Labor Organization, sa bawat dolyar na katumbas ng 56-pesos na kita ng mga kalalakihan, umaabot lamang sa 32-piso ang kita ng mga kababaihan sa maraming bansa.

Ang International Day of Equal Pay ay ginugunita sa buong mundo upang palakasi ang mga panawagan na maging patay ang suweldong natatanggap ng mga kababaihang manggagawa kumpara sa mga kalalakihang manggagawa.

Una naring kinilala ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang kahalagahan ng mga tungkulin at gampanin ng mga kababainhang manggawa sa pagtataguyod ng ekonomiya at lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 16,280 total reads

 16,280 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 50,853 total reads

 50,853 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 87,335 total reads

 87,335 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 105,547 total reads

 105,547 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 189,032 total reads

 189,032 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 22,471 total reads

 22,471 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top