Huwag mag-astang amo ng taumbayan, babala ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,361 total views

Nanawagan si 1987 Constitutional framer, Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. sa mamamayan para sa patuloy na pagbabantay at pananagutan, lalo na ang mga may katungkulan sa pamahalaan.

Ayon kay Bishop Bacani, hindi dapat isantabi ng publiko at mga namumuno na ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay paglilingkod at hindi para maging amo ng taumbayan.

Ang pahayag ng obispo ay kaugnay sa paggunita sa ika-52 anibersaryo ng pagde-deklara ng Martial Law o batas militar sa Pilipinas sa ilalim ng diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., ang ama ng kasalukuyang pangulo ng bansa na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“Huwag kailanman kalimutan ng mga mamamayan at namumuno na ang mga may hawak ng kapangyarihan ay lingkod at hindi amo ng bayan. Ang public office ay public trust at dapat managot ang mga public officials sa kanilang pagkilos,” bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.

Nagbabala din si Bishop Bacani sa mamamayan na huwag ibaon sa limot ang madilim na bahagi ng Batas Militar, kung saan nilapastangan ang karapatang pantao.

“Napakadilim na bahagi ng Martial Law ang paniniil sa karapatang pantao upang hindi makapagpahayag ng kanilang opinion tungkol sa mga namumuno. Umabot sa torture at pagpatay,” ayon kay Bishop Bacani.

September 21, 1972 nang magdeklara ng Martial Law ang rehimen ni dating Pangulong Marcos Sr., kung saan sa loob ng 14 na taon, samu’t saring pang-aabuso sa karapatang pantao ang naranasan ng mga Filipino.

Batay sa tala ng Amnesty International, 70-libong katao ang nakulong dahil sa paglaban sa pamahalaan, 34-libo ang pinahirapan, habang mahigit tatlong libo naman ang biktima ng extrajudicial killings.

Nagwakas naman ang Batas Militar sa pamamagitan ng mapayapang People Power Revolution noong taong 1986.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 52,814 total views

 52,814 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 85,896 total views

 85,896 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 114,247 total views

 114,247 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 181,979 total views

 181,979 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 201,438 total views

 201,438 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top