Pagpapahinto sa PAREX project, panawagan ng Diocese of Pasig

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,716 total reads

Hinimok ng Diocese of Pasig Ministry on Ecology ang mamamayan na makiisa sa panawagan sa pangangalaga at pagpapanumbalik sa mga ilog para sa kapakanan ng susunod na mga henerasyon.

Ayon kay Ecology ministry director, Fr. Melvin Ordanez, ang mga ilog ay nagbibigay-buhay, hindi lamang sa mga nilalang na umaasa rito, kundi maging sa aspeto ng espiritwal na pamumuhay.

Ang panawagan ni Fr. Ordanez ay kaugnay sa pagdiriwang ng World Rivers Day (WRD) 2024 kung saan kabilang sa mga pinagtutuunan ay ang Ilog Pasig na nahaharap sa banta ng proyektong Pasig River Expressway (PAREX) Project.

“We should cherish this beautiful gift, a symbol of life and hope. May we be good stewards in restoring the beauty of the Pasig River,” pahayag ni Fr. Ordanez sa panayam ng Radio Veritas.
Hinamon ng pari ang bawat isa na gampanan ang tungkulin bilang mga katiwala ng mga likas na yaman tulad ng mga ilog, bilang pagpapakita ng malasakit at pasasalamat sa mga biyayang handog ng Diyos.

Pagbabahagi ng pari, saksi sa kasaysayan ang Pasig River, maging ang iba pang mga ilog sa bahagi ng Taguig City at Pateros sapagkat dito dumaan ang mga misyonero upang maipalaganap ang pananampalataya sa diyosesis.

“The history and faith brought by the rivers in Pasig, Pateros, and Taguig is significant, as these are the paths taken by the first missionaries in our diocese,” ayon kay Fr. Ordanez.
Nitong September 22 ay nakatuwang ng grupong Ilog Pasiglahin ang ecology ministry ng diyosesis sa inilunsad na programa para sa pagdiriwang ng WRD 2024.

Tema ng gawain ang “Ilog para sa Lahat: Makatao at Makalikasan; PAREX, Wakasan na!”, na layong sama-samang itaguyod ang makatao at makakalikasang pag-unlad para sa tunay at inklusibong rehabilitasyon ng Ilog Pasig.

Una nang nagpahayag ng pagtutol ang Diocese of Pasig hinggil sa PAREX project dahil sa pinsalang maaaring idulot nito sa Ilog Pasig, lalo na sa mga pamayanan, kultura, at kapaligiran ng buong Metro Manila.

Nagkakahalaga ng P95-bilyon ang proyekto at may habang higit 19-kilometro na babagtasin ang kahabaan ng Pasig River mula Maynila patungong Taguig City.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 16,674 total reads

 16,674 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 6,443 total reads

 6,443 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 88,014 total reads

 88,014 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 182,239 total reads

 182,239 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 242,729 total reads

 242,729 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 256,306 total reads

 256,306 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 69,942 total reads

 69,942 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top