Economy of Francesco, itinalagang Economy of Francesco Foundation ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,425 total views

Inaprubahan ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang pagbabago ng Economy of Francesco bilang ‘Economy of Francesco Foundation’ o EoF Foundation.

Ayon kay Pope Francis, ito ay upang mapalaganap ng mga kabilang sa EoF Foundation ang pagbabago sa pandaigdigang ekonomiya tungo sa sama-samang pag-unlad.

Itinalaga ni Pope Francis si Diocese of Assisi Bishop Domenico Sorrentino na pangulo, Vice-President si Italian Economist Luigino Bruni habang si Francesca Di Maolo ng Seraphic Institute for the deaf and blind of Assisi bilang board member ng EoF Foundation.

“Initiated process, defining the new organizational structure that will act as a coordination and animation center for everything that Economy of Francesco is already experiencing in businesses, universities, and the world,” ayon sa liham ng Santo Papa na ipinadala ng Diocese of Assisi sa Radio Veritas.

Magkasabay na ipinarating ni Bishop Sorrentino ang pasasalamat kay Pope Francis at mensahe na paiigtigin ng EoF Foundation ang mga naunang inisyatibo tungo sa mabuting pagpapanibago ng ekonomiya.

“With the formal constitution of The Economy of Francesco we enter the heart of a journey that has never stopped. From today the young people of EoF officially become protagonists of this path that wants to enter the universities, businesses and the world of cooperation so that the dominant economic culture gives way to a new way of thinking that cares about the person, his charisms, the environment and the territory, rather than mere profit,” ayon sa mensahe ni Bishop Sorrentino na ipinadala ng Diocese of Assisi sa Radio Veritas.

Tiniyak naman ni Bruni ang pag-abot sa mga kabataan, ekonomista at mananampalataya upang higit na mapalaganap ang pagpapaunlad sa ekonomiya na may pangangalaga sa kalikasan.

Bago itatag ng Santo Papa ang Economy of Francesco na isang foundation, noong 2019 ay nagsimula lamang ito bilang “economic revolution” sa pangangasiwa ni Bruni.

Naipalaganap ang EoF sa 100-bansa na isinusulong ang bagong Sistema sa ekonomiya alinsunod sa apela ni Pope Francis na kasama sa pag-unlad ang mga mahihirap at pinangangalagaan ang kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 28,955 total views

 28,955 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 57,306 total views

 57,306 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 125,036 total views

 125,036 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 148,187 total views

 148,187 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 216,238 total views

 216,238 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 8,056 total views

 8,056 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top