Bishop Maralit, ipinagkatiwala kay Birheng Maria ang paglilingkod sa Diocese of San Pablo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,808 total reads

Tiniyak ni San Pablo Bishop-designate Marcelino Antonio Maralit ang kahandaang maglingkod sa kristiyanong pamayanan ng Laguna makaraang italaga ni Pope Francis nitong September 21.

Aminado ang obispo na may agam-agam ito sa kanyang kakaharaping misyon lalo’t sa halos isang dekadang pagiging obispo ay naglingkod ito sa payak at maliit na Diocese of Boac na may 250, 000 populasyon ng mga katoliko kumpara sa tatlong milyon ng Diocese of San Pablo.

“Ako po ay handa muling magbigay ng buo kong sarili sa paglilingkod at magtiwala sa biyaya ng Diyos katulad nung panahong tinanggap ko ang pagiging obsipo ng Boac. Please be patient with me. Ako naman po ay nagtitiwala din sa kabukasan ng inyong mga kalooban sa karunungan at kalooban ng Diyos na Siyang lumoob sa aking pagiging obispo,” pahayag ni Bishop Maralit sa Radio Veritas.

Batid ni Bishop Maralit ang sama-samang pananalangin ng diyosesis sa pagkakaroon ng punong pastol makaraang magretiro si Bishop Buenaventura Famadico noong 2023 kaya’t hiling nito sa mamamayan ang patuloy na panalangin sa kanyang pagpapastol katuwang ang 150 mga pari.

“Ako ay naniniwala na ang aking pagkakatalaga e bunga din ng inyong sama-samang pananalangin… Patuloy pa po sana ninyo akong ipanalangin,” ani Bishop Maralit.

Itinakda ang pagluluklok kay Bishop Maralit bilang ikalimang obispo ng San Pablo sa November 21 kasabay ng Kapistahan ng Paghahandog kay Maria sa Templo.

Ipinagkatiwala ng obispo sa maka-Inang pagkalinga ng Mahal na Birheng Maria ang kanyang sisimulang tungkulin sa diyosesis kasabay ng panawagang sama-samang paglalakbay bilang simbahan tungo sa landas ni Hesus.

Ikinalugod ng diyosesis ang pagkaloob ng bagong obispo na tanda ng pagpapadama ng pag-ibig ng Panginoon sa kristiyanong pamayanan sa lugar.

Dalanganin ng pamayanan na taglayin ng bagong punong pastol ang pusong tulad ng Mabuting Pastol na handang maglingkod at magmahal sa kawang ipinagkakatiwala sa kanyang pangangalaga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 41,739 total reads

 41,739 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 127,108 total reads

 127,108 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 173,845 total reads

 173,845 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 221,717 total reads

 221,717 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 323,752 total reads

 323,752 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top